Felix Roco, naka-move on na sa paghihiwalay ng mga magulang

AS OF PRESSTIME, hindi pa rin makumpirma ni Sunshine Dizon kung nagdadalang-tao siya dahil hindi pa nito itinuloy ang ultrasound na dapat naka-schedule nu’ng nakaraang Huwebes.

Umalis ang mag-asawa pa-Iloilo kasama si Mommy Dorothy at magbabakasyon daw muna sila roon ng ilang araw.

Pagbalik ng Maynila, saka pa lang daw ito magpapa-schedule ng ultrasound para makumpirma kung talagang buntis ito.

Pero ang pakiramdam talaga ni Sunshine ay nagdadalang-tao na ito dahil naramdaman na raw nito ang mga symptoms ng isang buntis. Pero wala pa naman siyang pinaglilihian.

Nu’ng huling in-interview ito ni Ricky Lo para sa Startalk, ayaw pang kumpirmahin ni Sunshine dahil mabuting hintayin na lang daw ang pagpapa-ultrasound niya, para sure na sure na siya sa kanyang kalagayan.

Sobrang excited na ito sa kanyang pagbubuntis at kahit si Mommy Dorothy ay ganu’n din dahil gustung-gusto na raw nitong magkaapo kay Sunshine.

Madalas din palang dumadalaw sina Sunshine at ang asawa niyang si Timothy sa pamilya nitong huli, kaya hindi raw totoo ang ikinakalat pa ring balitang hindi tanggap si Sunshine sa pamilya ni Tim. Napalapit na raw nang husto si Sunshine sa mga biyenan nito at sa ilang malalapit na kamag-anak.

HINDI KUMPORTABLE SI Felix Roco na pag-usapan ang kumakalat pa ring isyung hiwalayan ng kanyang mga magulang na sina Bembol Roco at Coco Artadi.

Sa presscon ng bagong indie movie nitong Pendong na magsu-showing sa June 25, hindi na nakaiwas si Felix sa mga tanong namin tungkol sa isyung ito.

May special participation kasi sa pelikulang ito si Bembol at ang tsismis, nagalit daw si Felix nang nalaman nitong guest doon ang kanyang ama.

Pinabulaanan ito ni Felix, dahil okay na okay naman daw sila ng kanyang Daddy. Aminado siyang Mama’s boy siya, pero okay na raw sila ngayon ng Daddy niya kahit bihira lang sila nagkikita.

Nu’ng bago pa lang naghiwalay ang kanyang magulang medyo mahirap daw sa kanila ng kakambal niyang si Dominic na tanggapin ang desisyon ng kanilang magulang, pero ngayon ay okay na raw sila dahil mahigit isang taon na palang magkahiwalay ang mag-asawa.

Ayaw lang daw nilang pag-usapan ito dahil nanatiling tahimik naman daw ang mga magulang niya sa kanilang desisyon kaya nakiusap na itong huwag nang palakihin pa.

Hindi na idinetalye ni Felix ang dahilan ng hiwalayan pero matagal na raw ito nangyari at nakapag-move on na raw silang lahat, kaya sana tapusin na nga ang isyung ito.

NA-EXTEND PA NG ilang linggo ang The Last Prince pero ngayon pa lang ay kinukundisyon na nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang kanilang paghihiwalay dahil hindi na sila magsasama sa susunod nilang project.

Si Aljur ay makaka-partner na si Rhian Ramos sa susunod nitong drama series at si Kris naman ay hindi pa tiyak kung si Rocco Nacino na nga ba ang makakasama niya.

Kaya sa halos araw-araw na taping nila, ini-enjoy na lang daw nila ang kanilang closeness. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang mas lalong naging close naman sina Aljur at Bianca King na kasali rin sa The Last Prince. Kung okay ang friendship nina Kris at Aljur, more than friends naman daw ang tinginan nina Bianca at Aljur. Pero consistent pa rin sa pagdi-deny ang dalawa kahit marami na ang nagkukuwento sa aming sila na raw talaga.

Magkakaalaman din iyan!

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.