FEJODAP Sasali na sa Pag-IBIG Fund

NILAGDAAN  KAMAKAILAN NG Home Development Mutual Fund (HDMF o Pag-IBIG Fund) at ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang isang kasunduan na magbibigay daan upang ang mahigit kumulang na 150,000 jeepney drivers at operators sa buong bansa na kasapi ng FEJODAP ay makakasali na sa Pag-IBIG Fund.

Ang Memoradum of Agreement ay nilagdaan nila Atty. Darlene Marie B. Berberabe, Pag-IBIG Chief Executive Officer at Zenaida Maranan, pambansang pangulo ng FEJODAP, noong Oktubre 26. Malugod na tinanggap ni Atty. Berberabe ang kasunduan dahil magiging daan ito upang maihatid sa mga FEJODAP driver-members ang mga benepisyo ng Pag-IBIG tulad ng Multi-Purpose Loan at housing loan.

Ang paglalagda ay sinaksihan ng mga opisyal ng Pag-IBIG na sina: Tessie Gonzales, Deputy CEO para sa NCR; Alexander H.G. Aguilar, Senior Vice President ng Provident Sector; Yolanda Akol, Vice President ng Loans Recovery; at Amelia Tacang, manager ng Manila branch office. Para sa FEJODAP, sumaksi ang kanilang mga pangalawang pangulo na sina Ariel Doringo, Jefraim Gochangco, Cristina Venturina, Fredmar Salvador, Romeo Desalisa, Reynaldo Santos and Christopher Lianos.

Ang Pag-IBIG membership ay mandatory na para sa lahat, kasama na ang mga self-employed na may buwanang kita na hindi bababa sa P1,000.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.