Feisty actress, refuses to speak in english!

MATAGUMPAY ANG PANGALAWANG Battle of the Champions ng pinakamalaking talent search sa telebisyon ngayon, ang Talentadong Pinoy. Pumalo sa ratings ang dalawang gabi ng performance at results night ng show at talaga namang tinutukan ng buong bansa ang pagpapakitang gilas ng mga talentado.

Si Joseph ‘The Sand Artist’ Valerio ang itinanghal na Ultimate Talentado ng 2011 at nag-uwi siya ng 4-year scholarship grant, brand new car, isang milyong piso at ang prebilihiyong mai-represent ang bansa sa 2011 World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.

Ayon pa sa host nitong si Ryan Agoncillo, very proud siya sa mga hall of famers ngayong taon dahil walang itulak-kabigin sa kanilang  mga ta-lento. “Maghahanap na naman tayo ng mga hall of famers, magle-level up, kasi, we’re going international. We’re still working out with details,” kuwento pa ni Ryan.

Pasasalamat lang ang nais niyang ipaabot sa lahat ng mga tumatangkilik sa show na naging daan upang magkaroon ang ibang istasyon ng kaparehong format simula nang tangkilikin ito ng madla way back 2008, ang taon kung saan nagsimula ang Talentadong Pinoy.

Sabi pa ni Ryan, walang sikreto ang kanyang show kungdi, “’Yung mga talentado mismo ang sikreto, ang kanilang mga angking galing na ipinapakita sa show.”

BLIND ITEM: KINSA siya? Hindi pa masyadong matagal ang kuwentong ito tungkol sa isang sikat na mataray na aktres na umano’y Tagalog lang ang dapat itanong sa kanya sa mga presscon dahil hindi siya masyadong marunong mag-English.

Ayon pa sa aking source, sa isang event kung saan ini-launch sila ng iba pang mga endorsers ng isang produkto, todo-English ang female host ng event, asking ng kung anik-anik sa ibang endorsers in English tungkol sa produktong ineendorso nila.

Kapag ang tatanungin ay ang mataray na aktres, nagtataka ang press people kung bakit may-I-Tagalog na ang female host. Natural na Tagalog din ang sagot nitong mataray na aktres. Asking na naman itong female host sa iba pang endorsers, in English pa rin ang kanilang mga sagot. Kapag ang mataray na aktres na, Tagalog na naman ang question sa kanya!

Ni-require ba ng ma-nagement ng mataray na aktres na bawal siyang Inglesin sa presscon at baka hindi niya masagot ‘yon fluently?

Naku, may history itong mataray na aktres sa mali-maling pag-i-English!

MASUWERTE SI VICTOR Basa dahil nakakatawid siya ng dalawang istas-yon na hindi nai-enjoy ng iba. Para kay Victor, may mga gusto siyang gawin bilang artista na hinahanap-hanap niya katulad ng pag-arte sa isang teleserye.

Ang huling soap niya ay ang successful na May Bukas Pa ng ABS-CBN kunsaan gumanap siyang pari. Pagkatapos ng serye, naging matumal ang TV projects ng binata. Pero ngayon, pasok na naman siya sa pinakamalaking dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak kung saan gagampanan niya ang role ni ‘Marco’ na magpapaibig sa isang inosenteng probinsiyanang si Arci Muñoz.

Nang makausap namin si Victor, inurirat namin sa kanya ang tungkol sa pagpayag ng Star Magic ng Dos na lumabas siya sa kalabang istasyon nito. Aniya, “I really wanted a soap, it just so happened na ang opportunity ay nandito sa TV5. I liked it here. I’m very thankful sa opportunity na ‘to.”

Going strong naman daw ang relasyon nila ng socialite na si Divine Lee. Kasal na nga ba ang susunod sa matibay nilang samahan?

“’Yung ganyang mga plano, sa amin na muna ‘yun. I wanna keep it very personal. I think, hindi naman maggi-girlfriend kung walang planong pag-aasawa. Pero sa ngayon, amin na muna yun,” paliwanag ng binata.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

18 thoughts on “Feisty actress, refuses to speak in english!

  1. TWO THUMBS UP Solid Marian…ang daming masasamang ehemplo na nag comment sa article nato…FEELING MAGALING.

  2. Care ko kung di marunong mag English si Marian. E karamihan naman talaga sa mga Pinoy, hindi ganun ka fluent sa English. Ang importante, si Marian, may trabaho, yung iba, wala. Si Marian, maraming endorsements at showbiz assignments, yung iba WALA. Yung iba nga dito, bano din mag English, e lakas manlait.
    Hypocrites!

  3. @lumanaBlmo..wag ka ng magtaka padating na kc ang bampirella,amaya at temtation na movie ni MR…kung papipiliin ako…pipiliin ko na ang hindi marunong mag english na super yaman ko naman at daming ginagawa kesa sa fluent nga ala namang pera diba?
    ung mga nag comment sa taas at pinagtatawanan ang taong di marunong o mali mali ang english…kahit sila di nila maipaliwanag ang sarili o opinion nila in pure english manita ba?! kaloka kayo ha?!…lol

  4. bakit may i recycle the BI ang drama mo? meron bang mas bago, pleez? nabasa ko na to several months ago, ano ba yan?

  5. @Orkidia: At baket, pinagmamalaki ba nya?! Kelan?! Kapag tinatanong lang naman sya atsaka nya lang sinasabi! At bakit naman kasiraan yun sa eskwelahang pinanggalingan nya?! Dapat nga maging PROUD pa sila dahil bihira lang sa mga artista ang makaabot sa kinalalagyan ni Marian! Ano yon?! Dahil lang sa hindi marunong mag english kahihiyan na?! DUHHHHH?! Ang babaw nyong lahat! Kayo ang dapat pagtawanan at hindi si Marian!

  6. dyus ko naman so what namn kung hindi marunong uminglis eh doon cya kumikita. tayong mga pinoy sobra punta nga kayo dito sa states at naglipana ang hindi marunong mag english na mga mexicano ang importante namumuhay ng marangal.pambihira kayo

  7. Solidmarian, hindi mo masisisi ang mga tao kung pagtawanan si marian. Sana hindi na lang niya pinamgmalaki na graduate siya ng Ateneo (or La Salle) dahil kasiraan yun sa school na pinanggalingan niya. :-)

  8. Eh ano naman ngayon kung hindi marunong mag english?! BIG ISSUE ba yon? My God! Nasa PILIPINAS PO tayo! Wala tayo sa ibang bansa! Ganyan na ba talaga mga tao sa pinas?! Kapag hindi ka marunong mag-ENGLISH pagtatawanan ka na?! Eh di sana hindi na lang tagalog ang language sa pilipinas! Mas matawa kayo kung sya ay ipinanganak sa pinas pero hindi marunong magsalita ng sarili nyang wika! Si Marian, nagpapakatotoo lang sya! Kung hindi sya marunong mag-English hindi nya pinipilit yon…hindi sya kagaya ng ibang artista na pa sosy-sosy at pa english-english kahit hindi bagay! Inuulit ko…nasa pilipinas tau!Wla tayo sa ibang bansa kaya hanggat maaari TAGALOG ang dapat nating salitain! English is just our second language wag nyong kakalimutan nyon! Ang sabi nga ni jose Rizal: ANG HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA KANYANG WIKA AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA”! …..what a cheap article!

  9. i’m sure si marian yan, ung iba nyang kasamang endorsers cla dingdong dantes, piolo pascual ang kc concepcion…real tea ang product na ineendorse nila hihihihi…kalurkey

  10. marian rivera ang BI hahahahah sino pa nga ba..mas perfect pa ngayon mag english si angelica jones sa kanya…infairness

  11. SI MARIAN RIVERA ANG TINUTUKOY NA AKTRES NA HINDI MARUNONG SA INGLES HAHA SINU PA BA? EH, PARATI NA YANG NABA-BLIND ITEM HUH! NAKU, KAAWA-AWA NAMAN ITO KUNG TOTOO NGA HEHE…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.