Feeling virgin na ‘host’, pinagsawaan na ng yummy young actor?!

OLA Chikka!! Ngayon ay araw ng Lunes kaya naman bonggacious ang balitang nasagap ko. Talaga namang balik-eksena na sa showbiz ang one and only superstar nating si Nora Aunor. Ngunit matatagalan pa ang kanyang muling pagkinang dahil ayon sa aking Parazzi Girl ay sa katapusan pa raw ng eleksiyon babalik ang superstar kapag natapos na ang termino ng ating kasalukuyang presidente. Hmmm… bakit kaya?

Pero deadma na roon dahil sa muli niyang pagbabalik ay ewan ko lang kung hindi pa siya muling kuminang. Kasi napag-alaman ko na may naghihintay nang pelikula para sa kanila ni Christopher De leon. May concert din siya at higit sa lahat, magkakaroon siya ng teleserye na gagawin sa GMA-7. Say n’yo? Say ko?! Taray!

Kaya ba naispatan siya ng aking Parazzi Girl na nagparetoke sa Japan?! Hmmm… siguro, ganu’n talaga para bongga ang comeback niya. Pero maliban sa pagpapa-facelift, ano pa kaya ang ginawa ng superstar doon? Naku, ha! Alam ba nila Sadjit Khan ‘yan?

AT SPEAKING OF sa kaalaman, alam n’yo ba na ibang level na ang kabaliwan nitong mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao? Pinapainit na naman ang ulo ko dahil sa demanda demanda issue na ‘yan.

Eh, bakit ba isinisisi nila sa media people ang pagkasira ng image nila eh, sila itong gumagawa ng kalokohan. Kasalanan ba ng mga tao na makita silang may kasamang iba?

At banat pa nila ay tigilan na raw ang pag-tsimis sa kanila dahil hindi naman daw sila showbiz. Hello?! Eh, kung sila kaya itong tumigil! Gagawa-gawa ng pelikula tapos hindi showbiz?! Nakaka-highblood!

Feeling naman nila, to the highest level na ang pagka-celebrity nila. Oo sikat siya, sikat siya sa larangan ng boxing pero sa larangan ng showbizness ay knockdown ang carreer niya. Siya itong pilit mag-artista eh, kung nag-boxing na lang siya eh, ‘di sana natuwa pa sa kanya ang buong Pilipinas.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong pa-virgin host? Host daw, oh! Sino itong girlet na ito na ipinagpipilitan na virgin pa siya samantalang napag-alaman ng aking parazzi girl ay sobrang party animal daw itong girlet na ito as in super! At pinagsawaan na rin siya nitong yummy young actor na “always open,” always open parang…?! Ha-ha!

At ngayon naman, ay dine-date ng isang sikat na sikat na host ng isang noontime show at ayon pa sa aking parazzi girl ay kung saan-saan na dinala ng sikat na host itong girlet na ito – sa Tagaytay, sa bahay, sa yate at kung saan-saan pa. Tapos, ipagpipilitan nitong girlet na virgin pa siya?! Excuse me pow! Eh, ang wild wild nito nu’ng napanood ko sa isang bahay eh, ano pa kaya ngayong nakalabas na?! Kailangan pa ba ng clue?! Hindi na… dahil given na. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleLoveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sobrang nakami-miss!
Next articleBea Alonzo at John Lloyd Cruz, tratong Hollywood stars sa Malaysia!

No posts to display