Feeling sikat pa ring sexy actress, sobrang miserable na ang buhay

NAKAKAAWA NAMAN ANG isang dating sexy actress. Dating napakasikat, ngayon, ‘yung P8.5M worth ng house and lot niya, ibinenta na lang niya ng P400,000.
Ba’t kaya gano’n kababa? Kung nalaman lang namin ‘yon, baka kami na ang nakabili no’n. Kaso, me istorya pala sa likod ng halagang ‘yon.
Nag-loan pala itong si aktres, hanggang sa nagkapatung-patong na ang interes sa bangko, maging sa tao. At dahil hindi nababayaran, ibinenta na lamang nito ang bahay at ‘yun mismong bumili ang nagbayad ng utang ng aktres sa bangko.
Sa ngayon, umuupa na lamang daw si aktres kasama ang mga anak nito at hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang aktres, dahil kung anik-anik pa rin ang “tinitira” nitong droga.
Kawawa naman, if this is true. Kaya isang “wake up call” ito para sa mga artista.
Mag-ipon. ‘Wag mabuhay nang parang wala nang bukas.
Magpakumbaba. ‘Wag mayabang. ‘Wag hambog. ‘Wag feeling kaya ang lahat. ‘Wag feeling you can get away with anything.
Maging mabait sa grasya. ‘Wag abusuhin ang biyaya ng Panginoon. Porke marami kang pera at feeling mo, ang dami pang darating na pera sa ‘yo, kung anu-anong bisyo ang mine-maintain mo.
Ayan, tingnan n’yo ang nangyari sa aktres na ito. Kahit binigyan pa ng chance ng ibang network, waley na rin. Sakit pa rin daw ng ulo sa set at “feeling sikat” pa rin kahit hindi na.
Kawawa naman.

(By Ogie Diaz)

loading...

8 thoughts on “Feeling sikat pa ring sexy actress, sobrang miserable na ang buhay

  1. yan ang nararapat sa mga hambog at nalulunod sa isang tasang tubig. tulungan pero hindi sa lahat ng pagkakataon. kung abuso naman, hayaan maging mahirap pa sa daga since yun mismong may katawan na ang may kagustuhan.

  2. tulungan na lang kung may maitutulong, hindi ung ipangalandakan pa kung ano ang hindi magandang nangyayari sa kanya.

  3. hay naku naman. nakadapa na tinatapakan pa. typical pinoy. minalas yung tao hayaan nyo na, kung di na sikat bakit obsessed pa rin kayo sa kaba-blind item sa tao. hayaan nyo na sya sa buhay nya dahil di rin naman kayo nakakatulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.