Feeling sikat na singer-actress, dinedma ang bumating 2 reporter

BLIND ITEM: Sino itong sikat daw na singer/actress na nandeadma ng dalawang reporter sa isang okasyon na dinaluhan ng una kasama ang kanyang ina.

Dumating ang singer/actress na walang make-up at kasunod ang sangkatutak na alalay at mother nito sa harapan ng dalawang reporter na nag-uusap.

Dahil sa pag-aakala ng dalawang reporter na friendly naman si singer/actress ay binati nila ito pero parang walang nakita ang sikat daw na singer/actress.

Mistulang nagmamadali ito na parang natatakot daw na pagkaguluhan ng fans pero wala namang humahabol dito.

Okey naman at naintindihan ng dalawang reporter na baka naman hindi nakikilala ng singer/actress ang mga ito.

Pero kung sakali raw na hindi kilala ng sikat daw na singer/actress ang bumati sa kanyang reporter, sana raw ay ngumiti ito at hindi ‘yung nakasimangot pa ito na parang isang sikat na sikat talagang singer/actress.

Sino siya? Itanong ninyo kay Placente.

By Gerry Ocampo

Previous articleA…Bad Treatment!
Next articleDaniel Padilla, ‘di na normal ang pagbibinata?

No posts to display