Tago: Feeling president na ang isang presidentiable

EP NA EP siguro ang paggiging presidentiable kung kaya dedma lang siya sa health security procedures, ito ang hirit ng isang makulit na miron matapos madiskubre ang latest chismis na umuugong sa isang chamber of the Philippine Congress.

Ayon sa ating Parazzi Chikadora, isa na namang honorable ang nandedma sa health advisory at procedures ng DoH (ni DoHQue!) sa Influenza A(H1N1) virus. Sa halip kasing mag-self quarantine, dumiretso na agad ang ating bida sa isang malaking pagtitipong ginawa para pabonggahin ang namesung niya sa botanteng publiko.

Siyempre, irita.com ang mga miron dahil parang pakialam ang bida nating legislator. Kasi nga naman, usung-uso na raw ang ubo at sipon, tapos parami na nang parami ang naitatalang kaso ng H1N1 sa bansa, ‘no!

Matagal-tagal din daw nagbakasyon sa ibang bansa itong ating presidentiable. Nang bumalik sa ‘Pinas, atat na atat itong umapir sa nasabing pagtitipon (kagaya rin ng nauna ng isang presidentiable na itinampok dito).

Dagdag pa ng impormante, talaga raw na gustung-gustong pumunta ng presidentiable sa pagtitipong iyon dahil siya ang major sponsor. Major sponsor, as in sagot niya ang transpo at board and lodging ng mga partisipanteng inimbitahan niya.

Bawi ng intrimitidang miron, hindi naman daw sa pinagbibintangang superhuman na may immunity sa H1N1 ang presidentiable. Pero wala naman daw sigurong masama at wala naman din sigurong mawawala kung tiniis na lang muna ng presidentiable na mag-self quarantine ng ilang araw, ‘di ba?

Hirit ng isang mahilig sa tokwa, “yaan n’yo na, dami na nga niyang intriga, eh!” May ganu’n?

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.