Feature: SPOuT the Difference

Kalalabas lang nitong Marso ang pangalawang album ni Gretchen Barretto entitled Complicated. Kasabay rin sa paglabas ang chikang nagpagawa ng labi niya itong si La Greta, tulad ng kanyang friendships na si Pops Fernandez. Pansin na pansin namang talagang lumaki na parang kinagat ng bubuyog na kasinlaki ni Jollibee ang mga labi ng dalawang celebs. Wala nga naman tayong magagawa kung magpa-injection o magparetoke si La Greta kasi may anda naman siya, ‘no! Hindi lang siya nagparetoke, bumili rin siya ng sariling bus. O ‘di ba, parang hindi lang siya apektado sa krisis ngayon! Magpa-fly si Gretch around ‘Pinas tulad ng Bacolod, Iloilo, Davao, Cebu, Baguio at baka sa ibang bansa para i-promote ang pagpaparetoke, este, ang bagong album niya.

Naglabas rin ng bagong music video ang pinaka-sosyalerang celeb kung saan nakikipagsubuan siya ng prutas sa isang model. Mukhang mega proud si Greta sa kanyang lips kaya todo pout naman ito habang nag-e-emote to her song ‘Ready to Take a Chance Again.’ Well, mga kaparazzi, heto ang mga pictures at kayo na lang ang humusga kung talaga nga namang maganda o hindi ang pagkakaretoke ni La Greta!

loading...

5 thoughts on “Feature: SPOuT the Difference

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #50

  2. gretchen doesnt need to have retoke cz shes very pretty already.. she was very fresh and pretty..i dont like her now, she really looks retokada! her lips n cguro ang cheeks nya also..shes unlike before..

  3. sorry talaga pero hindi maganda resulta ng pagpaparetoke nya sad to say sa halip na gumanda,naging identical twin sisters sila ni pops,pareho silang nakagat ni jollibee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.