FB, Twitter at Insta, gamitin sa pagtugis sa mga ‘most wanted’

DAHIL SA patok ngayon  ang mga social networking site na Facebook, Twitter at Instagram, balak na i-post dito ang profile ng mga ‘most wanted’ na mga indibidwal para sa mas mabilis na pagkakaaresto sa mga ito.

Sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na halos wala nang gagastusin ang gobyerno kung gagawa ito ng mga accounts sa mga nasabing social networking sites na naglalaman ng mga pagkakakilanlan sa mga most wanted na kriminal na na-ngunguna sa listahan ng mga kinauukulan.

“It’s not just Facebook, there’s also Twitter. If we can Instagram the mug shots of wanted persons, the better. We can also post in YouTube the footage of their capers which have been caught on cam,” ayon pa sa mambabatas.

“Uploading the pictures and profiles of these wanted criminals on FB is easy and free. It is not that complicated,” dagdag pa ni Recto kasabay ng pagsasabing dapat na isama sa mga ilalagay online ang mga mug shots ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “FB, Twitter at Insta, gamitin sa pagtugis sa mga ‘most wanted’

  1. Pingback: FB, Twitter at Insta, gamitin sa pagtugis sa mga ‘most wanted’ - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.