Fat bonuses ng CA, iimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN NG liderato ng Senado ang inilabas ng report ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng diumano’y tumanggap ng kaliwa’t kanang allowances at bonuses ang mga kasapi at staff ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Kabilang din sa iimbestigahan, ayon kay Senate President Franklin Drilon, ay ang ulat ng COA na P204 milyon na na-misdeclared bilang other maintenance and operating expenses (OMOE) noong 2012.

Aminado rin si Drilon na mayroon ‘operating expenses’ ang bawat tanggapan ng kasapi ng CA pero aalamin umano nila ito kung paano ginamit.

Aniya, kailangan nila ng sapat na panahon para siyasatin ang kinukuwestyon na pondo ng CA noong 15th Congress sa ilalim ng liderato ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Lumalabas sa COA report, maliban sa P204 milyon na bonuses at allowances, kung isasama pati ang sahod at iba pang benipisyo ay umaabot sa kabuuang P455.1 milyon ang napunta sa 12 kasapi ng CA at 105 staff noong 2012.

Hayagan namang inakusahan ng isang mambabatas sa Kamara ang COA ng pamba-blackmail sa CA hinggil sa inilabas na report na sobra-sobrang bonus o incentive na tinatamasa ng mga miyembro ng naturang komisyon.

Ito ang sinabi ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz sa pinakahuling pasabog ng COA kontra sa CA na umano’y walang pakundangan sa paggasta sa pondo ng bayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.