Fast food chain manager, hinoldap sa Maynila

HINOLDAP ANG babeng manager ng isang fast food chain sa U.N. Avenue kanto ng M.H. Del Pilar Street sa Malate, Maynila.

Sinabi ng biktimang si Lovely Balieta na papasok na siya sa trabaho nang harangin ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Tinutukan siya ng baril sa ulo ng isa sa mga salarin at nagdeklara ng holdap.

Natangay sa biktima ang kaniyang cellphone, iPad at P5,000 cash na anya’y pambayad sa kuryente.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa pagbabakasakaling mahuli ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.