FARE HIKE SA LRT AT MRT, TULOY

BAGAMA’T DUMARAMI ANG kumokontra sa planong taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ay nagpasya ang Department of Transportation and Communication (DOTC) na ituloy ito.

Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, tuloy na ang fare hike matapos na mapagkasunduan sa ginawang board meeting ng DOTC at LRTA kahapon.

Gayunman, nilinaw ni Cabrera na hindi pa nila ipatutupad ang naturang fare hike sa buwan ng Marso.

Bagama’t hindi po matutuloy sa Marso ang fare adjustment para sa LRT at MRT, ay hindi po nangangahulugan na ito po ay hindi na matutuloy, kung hindi ipinagpaliban lang po ang pagpapatupad nito,” ani Cabrera.

Dagdag pa ni Cabrera na kailangan pa munang magkaroon ng  konsultasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang proposed fare hike at mailathala sa mga pahayagan bago ito tuluyang maipatupad.

Nilinaw rin ni Cabrera na alinsunod sa batas, konsultasyon lamang ang kinakailangan para makapagpatupad sila ng fare adjustment at hindi na kinakailangan pang magsumite ng petisyon sa LTFRB hinggil dito.

Inaprubahan naman ng LRT board ang “P11 plus P1” na fare adjustment o P11 bilang boarding fee, at karagdagang P1 bawat susunod na kilometro sa LRT at MRT lines, o maximum fare na P30, na higit na mataas sa kasalukuyang pasahe na P15.

Sa kabila nito, may magandang balita naman ang LRTA dahil magbibigay ang LRT 1 at 2, gayundin ang MRT, ng 20% discount para sa mga estudyante at mga person with disabilities (PWDs).

Mananatili rin naman ang ibinibigay na 20% discount ng LRT at MRT para sa mga senior citizens.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.