FANTASTICA, CONFIRMED NA: Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, pag-aagawan si Vice Ganda!

Dingdong Dantes, Vice Ganda and Richard Gutierrez

NAG-IISA lang talaga si Vice Ganda. Kung noong araw ay halos hindi mo maipagsama sa isang pelikula o TV project sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes dahil naging personalan diumano ang agawan sa trono ng kung sino ba talaga ang tunay na hari ng GMA-7, heto na nga at magsasama ang dalawa sa isang project under Star Cinema. Sino ang kanilang pag-aagawan? The one and only Vice Ganda!

Kung earlier ay nag-press release na ang kampo ni Coco Martin na magsasanib puwersa sila ni Bossing Vic Sotto at baka si Maine Mendoza pa ang kanyang magiging love interest, hindi rin naman magpapatalo si Vice. When she was asked by the producers kung sino ang bet niya na leading men, naging vocal ang Unkaboggable star in saying he wants Dingdong Dantes and Richard Gutierrez for the film.

Well, I’m sure kahit ang mga loyal Kapuso viewers ay happy sa proposal ni Vice. Naging madali ang pakikipagnegotiate kay Dingdong dahil maganda na ang kanyang working relationship with both Star Cinema and Viva Films (his original management). Si Richard Gutierrez naman ay lumipat na sa ABS-CBN last year at matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa big screen.

Tinodo na talaga ni Vice! Sino naman kaya ang mananalo sa puso niya? Naku, huwag na tayong magtaka kung lumabas din sina Marian Rivera at Angel Locsin sa movie!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.