FANTASTIC REUNION: Pagsasama nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa pelikula, matagal hinintay ng mga fans

Richard Gutierrez and Dingdong Dantes

MATAGAL na nagsama sa iisang network sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa GMA-7, pero hindi sila nagkaroon ng solid na proyekto na magkasama sa telebisyon man o pelikula given na once upon a time ay sila ang pinagsasabong bilang Primetime King ng Kapuso network.

Buti na lang at talagang pinush ni Vice Ganda sa management ng Star Cinema at Viva Films na sina Richard at Dingdong ang kunin na leading men niya sa Fantastica dahil dream come true ito sa mga solid na fans ng Kapuso network. Alam na alam ni Vice ang gusto ng masa kaya nakakatuwa naman talaga.

Kahit na marami nang younger box-office leading men ngayon, hindi maikakaila na iba pa rin ang rehistro sa screen ng dalawa. Ang mga nakasabay ko nga sa sinehan ay naging nostalgic at nagwish na sana ay mapanood muli sa big screen si Richard Gutierrez with Angel Locsin at sana raw ay mabigyan na ng onscreen movie reunion ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nakakatuwa lang isipin na si Marian nga ay nakadalawang movie with Richard noon (My Bestfriend’s Girlfriend and My Lady Boss) at si Dingdong at Angel naman noon ay nagsama sa controversial MMFF movie na ‘One More Try’. Kung magsama-sama kaya silang apat sa isang pelikula next year? 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.