Fans ni Jennylyn Mercado, kontra kay Rhian Ramos?!

Nalalapit na ang paglabas ng Pinoy version ng Koreanovelang Stairway to Heaven. Ito ang isa sa kauna-unahang Koreanovela na talagang nagpaluha sa ating mga Pinoy. Sino ba naman ang hindi maiiyak sa kinahinatnan ng pag-iibigan nina Cholo at Jodi? Sino ba naman ang hindi nainis sa pagkamaldita ni Eunice? Sino ba ang hindi nainlab at nabigo sa mga madadramang eksena?

Mayo nang magpalabas ng teaser trailer ang Kapuso network. Kabilang sa mga nasa teaser ay ang Rosalinda nina Geoff at Carla, Darna ni Marian Rivera, Full House ni Richard Gutierrez at Stairway to Heaven ni Dingdong Dantes. Kapansin-pansin na wala pa siyang leading lady. Naglabasan tuloy ang mga haka-haka kung sino ang susunod na makakapareha ng aktor.

Isa sa mga pangalang umingay na magiging susunod na Jodi ay si Jennylyn Mercado. Matagumpay nga naman kasi ang kanyang comeback show na Sinenovela presents Paano Ba Ang Mangarap. Hindi tuloy napigilan ng mga fans na mangarap para kay Jennylyn. Nag-umpisa sila kaagad sa kanilang petisyon na si Jennylyn ang gawing Pinay Jodi. Lumabas din ang mga pangalang Iza Calzado, Roxanne Guinoo at Maxene Magalona sa mga pinagpipilian.

Kamakailan lang nang kumpirmahin na si Rhian Ramos ang gaganap na Jodi. Katulad ng inaasahan, marami na naman ang kontra sa dalaga. Nakatanggap din kami ng e-mail mula sa dalawang tagahanga ni Jennylyn na tila dismayado sa pagkakapili kay Rhian. Unfair daw dahil may kamag-anak si Rhian na isang executive. Tsk.. tsk! Hindi ‘ata ito ang kauna-unahang pagkakataon na may umayaw kay Rhian.

Last year nga, marami ang nangangamba kung magki-klik ba ang La Lola sa panlasa ng mga P0inoy. Ito rin kasi ang first lead role ni Rhian. Marami naman ang naaliw at minahal si Lola at Facundo, na ginampanan naman ni JC De Vera. Nagbalik-tambalan din sila ni Richard Gutierrez sa kakatapos lang na Zorro. Ngayon naman, kay Dingdong naman siya ipapares.

Ayon kay Dingdong, hanga siya sa acting ni Rhian. May mga natuwa, may mga kumontra. Siguro nga, umasa ang fans ni Jennylyn dahil in fairness to her naman ay pasadung-pasado ring maging Jodi. Balita namin, magkakaroon din ito ng primetime show kasama si Mark Herras kaya hindi dapat mabahala ang fans niya.

By Pinoy Fans Club

Para sa mga katanungan at komento, mag-email lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

8 thoughts on “Fans ni Jennylyn Mercado, kontra kay Rhian Ramos?!

  1. sana si maxene magalona na lang ang jodi.. si rhian bumenta lang ang la lola niya unang una maganda ang wento ikalawa, bagay sa kanya yung ganoong role – lalaki kasi hindi siya emotional umakting kaya sakto sa kanya yung role. pero i have to say ganda ang orig la lola kesa sa remake, malayo ang galing nung orig la lola kesa kay rhian

  2. jennylyn mercado would have been a better choice for the role of Jodi or si Maxene Magalona. Mas may depth ang acting! I agree with you jaw_d, sinabutan na ni glaiza wala pa ring luha, ika nga walang lalim. At least sina Jennylyn at Maxene may mga pain na pinagdaanan nila sa buhay. Rhian di nabakante from La lola to Zorro and now STH. Masyadong obvious na ang Tita Ida niya.
    I feel for the other talents ng GMA na magagaling naman pero kay Rhian na naman binigay.
    Huwag ng magtaka bakit maraming may ayaw kay Rhian.

  3. siguradong may project lagi ang RHian na iyan dahil daig pa ang linta kung makakapit sa management dahil sa bruha niyang tiyahin!!!

  4. Pustahan tayo pagkatapos ng STH may kasunod agad yang si RR kawawa naman ang mga taga GMA artish center sya na lang lagi paano na si nadine,jasmine at iba pang star struck buti si pa marian rivera may 3 months break sya walang break ano ba yan tapos di pa magaling umarte kulang sa emosyon galit na si glaiza de castro sa eksena sya wala pang luha ano ba yan.

    • eh ikaw kilala ka?

      nakakahiya ka naman inday, masyado kang feeling…

      tawag ka na ng amo mo…lilinisin mo pa ang kubeta!

Leave a Reply

Your email address will not be published.