Fans ni Denise Laurel, nang-aaway dahil sa blind item

EWAN NAMIN KUNG siya nga ‘yong nag-tweet sa amin. Na nami-miss na raw niya ang showbiz.

Para lang makasiguro, tsinek namin ang profile niya, bago lang pala ang account niya sa Twitter. At ‘yung mga tweets niya, tsinek din namin.

Hindi lang pala kami ang sinabihan niya na nami-miss na niya ang showbiz. Maging si Bianca Gonzales ay sinabihan din niyang na-miss niya ang showbiz.

Ba’t kaya nagsasabi pa siya ng gano’n, eh, nakabalik na nga siya at bilang co-host uli sa isang noontime show na itago natin sa pangalang Pilipinas Win Na Win?

Feeling ba niya, hindi pa rin siya nakakabalik o hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang nakabalik na siya?

Actually, nu’ng bumalik siya, feeling namin, parang walang nabago. Ewan ko kung gano’n din ang feeling n’yo.

Pero malay naman natin, this time, makasilat na ang co-host na ito na itatago naman natin sa pangalang Janelle Jamer.

NAKAKALOKAH ITONG ILANG fans ni Denise Laurel. Inaaway kami. Pilit ba naman nilang inaangkin ang isang blind item at si Denise daw ‘yung tinutukoy namin.

Samantalang ‘yung idol nila, hindi nagre-react. Dahil siguro kilala nito ang kanyang sarili na hindi siya ang pinatutungkulan sa blind item na nag-iinarte sa set.

Well, ayon sa pag-aaral, generally speaking, gano’n daw talaga ang ibang fans. One-sided sila. Anuman ang maging desisyon o gawin ng idol nila, ‘yun ang tama para sa kanila.

Kaya uunawain na lamang namin sila habang kami naman ay isinusumpa-sumpa nila.

NAG-TWEET NAMAN SA amin ang mga fans o supporters nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Nagpapasalamat sila, dahil sa magandang naisulat namin tungkol sa kanilang mga idolo.

Honestly, ito ang “couple” na hindi ko naramdamang naggamitan o dahil merong gagawing pelikula or show. Wala naman silang show, eh. Pero as much as they can, pribado ang kanilang relasyon.

Good influence pa sila sa isa’t isa, kaya bagay na bagay sila.

Kahit ang kagalit pang si Rosanna Roces ang tinatawag na “Curacha,” kukunin na namin sa kanya since hindi naman siya busy.

Ang totoong busy at babaeng walang pahinga ay si Ms. Ai-Ai delas Alas. Imagine, nilalagare ang Tanging Ina 3 na filmfest entry ng Star Cinema.
Tapos, pukpukan pa ang rehearsals ng kanyang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum sa Nov. 19 at 8pm.

Iba-ibang bihis ang gagawin dito ni Ai-Ai, kaya tiyak na nakaaaliw ito, promise.

Teka nga, ano na nga palang nangyari kay Osang, sa ex-bestfriend ni Ai-Ai?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

23 thoughts on “Fans ni Denise Laurel, nang-aaway dahil sa blind item

  1. magaling nga mag host si janelle .. pero parang yung hosting nya ngayon kulang na kulang. para kasi silang nagsasapawan esp pag sila-sila nina gee at valerie ang magkakasama sa isang segment. bad taste rin yung mga pagpaparinig nya kay willie. d ba ang sinasabi nya dati kaya sya umalis dahil gusto nya mag try sa amerika at klinaro nya pa yung tungkol sa kanila ni willie na kesyo tsismis lang yun at walang katotohanan. e bakit ngayon parang puro baligtad ang pinaparating nya? obserbasyon ko lang po ..

    • Okay lang yon, may kanya kanya tayong taste, like ko pa rin si Janelle. Sayang lang na ang karelasyon nya ngayon ay parang may bad reputation. Nakalimutan ko ang pangalan, pero may asawa na yata na nanduun sa Amerika ba yon?, ewan kong hiwalay sa asawa.

  2. Go!Go! Ms.DEnise ang galing mong umarte without you sa Kristine series together with Raf that wont rate. The other couple is not even at par with you guys!!! Congrats! you are a revelation galing!!!

  3. ma-appeal si denise kaya lang ayoko syang umarte sa precious hearts. masyado syang OA. mas magaling si christine reyes lalo na nung sinabi na sa kanya ng lolo nya yung tungkol kay jaime. ang galing ng breakdown scene nya.

    • yan naman ang sinasabi ko noon pa na wapakels ang mga artista sa mga fans nila eh. pangharap lang yan dahil pag uwi ng mga yan hindi naman sila iniisip ng mga idols nila. haaaayzzz

  4. hay nq ogie hilig mo mag BI dapat ikaw ang e BI! dpa pinaalis ka dati sa umagang ky ganda kc nalaman ng staff na nagpapabayad ka pala sa mga gustong magpabati sayo, humihingi ka ng regalo, swapang mo tlga,, hahaha! wawa ka naman kya ka naalis sa ukg! buti nga sayo, nyayun ha, sa bago mong show, ingat ingat!! baka mawalan k n nman ng trabaho..

      • yap totoo yun! kalat yan balita dati.. buti nga sa kanya nawala cya sa ukg!!! dami nyang nabiktima….

      • Ay si Sharon? Bakit anong nagawa ni Ogie kay Sharon? Baka ibini blind item ni Ogie si Sharon kaya yon nagalit si Sharon. Ewan, sorry to say this pero napaka OA ni Sharon sometimes and lalo ng lambingin nya ang kanyang boses sa Sharon show nya, parang lumabas na OA at plastic. I don’t know but this is how I feel about her, Ito magagalit na naman ang Saronian sa akin nito but as I said kanya kanya tayong taste, hindi ko feel si Sharon.

  5. am oNe of Ms. Denise’s fans. Kung yung ibA man po sa amin ay naging offensive pasensya na po, naging overprotective lang siguro.. Sensya po ulet..

    • wow. at least hindi ka kagay ng ibang fans dyan na naka zipper na utak. kulang na lang pumatay sa pagtatanggol sa mga idol nila kagaya ng mga fans ni marian rivera at kim chiu. mga nakakatakot sila. lalo na mga fans ni marian rivera juzkopow! nakakatakot sobra!

      • wahahhaaha nkakatakot bah nakakatakot din ang idol eh, oppps mamaya ikulong ako sa toilet….

Leave a Reply

Your email address will not be published.