Fans at handler ni Marian Rivera, ‘nagwala’ sa negative writeup

Marian-RiveraAS EXPECTED, Alex Brosas dear, this writer incurred the ire of the fans dahil sa aming column item solely devoted to Marian Rivera last Wednesday.

Not only were her fans incensed by the writeup, maging si Rams David of the actress’s management office—na noo’y kasama ni Marian when the latter yelled at a female TV reporter—was also miffed. Ewan kung isinumbong kami ni Rams, or Ateng as he’s fondly addressed, sa mga bossing sa GMA.

One thing we know though, wala kaming direktang kaugnayan ng kanyang inaalagaan/inaalalayang artista except that iisa ang aming istasyon. Hindi kami kabilang sa production staff ng soap ni Marian, in much the same way that she’s not part of the 18 year-old Startalk.

Kung tutuusin, para nga kaming si Rhodora X who has a split personality: our being a Startalk staff is a totally separate entity from our being a tabloid columnist. Because of the obvious disparity, gusto naming isipin that we are not accountable to Marian nor to her management office nor to GMA for any writeup—positive or otherwise—about her, maliban na lang kung personal na ang atake.

We maintain that what we wrote and got published here in Pinoy Parazzi last February 12 hardly contained any personal assault against Marian, save for our opinion which is the primordial essence of a column based on a factual occurence.

Maaaring itanggi ni Marian at ng kanyang kampo ang pangyayari o ilang detalye behind the talakan incident. Our source being the helpless female TV reporter was quick to correct our facts: hindi raw sa set ng soap ni Marian naganap ang pagtatalak ng aktres, kundi sa isang charity event sa East Avenue Medical Center kung saan imbitado si Marian ng kanyang fan club.

Just like all the other tales of woes ng karaniwang reporter, too bad na ang ipinagpuputok lang ng butse ng mga tagahanga at ng mga artista o ng kanilang manager ay ang mga negatibong naisusulat, but how about the halleluiahs that see print as well? Nakukuha ba nilang ipaabot ang kanilang pasasalamat for an article beautifully written?

Waley!

 

NOONG NAKARAANG linggo nagsimulang magrigodon ang mga programa sa Night Shift block sa GMA. Ang nakasanayan naming panoorin tuwing Miyerkules ng gabi ay nahalinhan na ng Powerhouse hosted by Kara David.

Sa unang sultada nito, ang feature story ay tungkol kay Heart Evangelista na mala-A Day in the Life, kung saan interspersed with the interviews sa mismong bahay ng TV host-actress ay sinamahan siya ng programa sa kanyang dalawang araw na trabaho.

What added crisp to the episode was the presence of Heart’s dyowa, si Senator Chiz Escudero, who showed up at his girlfriend’s abode.

Pero hindi ‘yon ang nakapukaw ng aming atensiyon. Nakaagaw kasi ang portion buy ng isang kilalang men’s facial wash na dalawang beses ikinarga ang patalastas nito.

At ang endorser lang naman ng produktong ‘yon ay si Jericho Rosales, dating nobyo ni Heart.

 

Si Bakawan ang dyowa ni Duhat at hindi si Coconut?

 

BLIND ITEM: Sa continuing saga ng pinakakontrobersiyal na usapin sa showbiz ngayon ay mistulang punungkahoy na ito na nagsanga-sanga na ang kuwento.

Dahil sa kaselanan (o kasalanan?) ng naturang paksa—tulad ng puno—we’re assigning trees to their names.

Early on, duda ng publiko ay may kung anong kaugnayan sina “Coconut Tree” at “Puno ng Duhat.” But it turned out na wala naman pala silang relasyon. So, who’s the dyowa of Duhat Tree?

Ang tsismis, ang karelasyon umano nito ay si Bakawan, kaanak ni Coconut Tree.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Fans at handler ni Marian Rivera, ‘nagwala’ sa negative writeup

  1. Bwahaha! Itong si carrasco ang pinatatamaan ni dinno erece sa writeup nya. Yung alibi ni csrrasco na may independence at democracy kaya binabanatan nya si marian pero di nya iniisip nasa isang network sila na ang role nya ay epromote ang talents at mga business nito. In heat yata itong si carrasco, at walang mapagdausan kaya ang galit kay marian ang way of release nya. Mismong network nya sinasabotahe nitong carrascong ito. Sa abs, they can blackout negative publicity. But proriety tells carrasco should resign then he can make putak.

  2. sige carrasco, lakas ng loob mo na I-blind item sina cedric lee, tignan ko lang kapag ikaw na ang dinampot ng grupo niyan at bugbugin na buhok mo lang ang walang latay. siguro mananahimik ka na sa pang-ne-nega at pamba-bash mo! Hala lagot ka kapag nakaabot itong write-up mo kay cedic lee……

  3. wow! hypocrite! hindi ka naman susulat ng positive about marian kaya dapat naman mag-react ang fans pag negative ang writeup. whats your beef with marian? your ” factual” was later rectified dahil yong “helpless” na tv reporter who found an ally in you is a bit conscience-stricken na kahit itama na lang nya yong lugar at yong iba pang detalye is up to carrasco to embellish and make the tv reporter the hapless helpless victim of bitchiness. a good writer will get marians side. but bec this carrasco is taking the cudgel in defense of the “helpless” tv reporter to portrait himself the guardian of the helpless and marian the powerful oppressor to be vanquished, makakuha lang ng pogi points. magsama kayo ni alex brosas, parehong envelope writers na di naambunan ng grasya kaya galit na galit kay marian

    • nakonsensya ba, o baka napilitan na lang i-correct mga nauna nilang sinulat. binibida kasi nilang na-record daw nila lahat at yun ang ipapakita nilang proof ng totoong nangyari sakaling ipararating to ng camp ni yan sa bosses. ehhh, mahirap nga naman kung di tutugma ang kwento nilang sa set daw ng soap nangyari kung ang nasa backdrop malamang ng footage na narecord nila eh mga batang may cancer, di ba? kaya yan, edit edit na. heh.

    • hahahahahahaha!
      wala talaga kaming pinag-aralan?
      sige nga! show us kung gaano ka katalino!
      now na!
      nga nga?
      hahahahahahahaha!

  4. O talaga Ronnie hindi ka name-mersonal sa mga columns mo?

    Eh matagal mo ng pine-personal si MR, suki mo pa nga siya sa mga blind items mo nung Marimar days pa!

    Ano ba talaga naging atraso niya sa iyo? Hindi ba binibigay ni Lolit yung hati mo sa payola? Hindi ka ba na-invite sa mga xmas party?

    Eh dapat kay Lolit ka magalit hindi sa artista. Palibhasa tuta ka ni Lolit. Ikaw ang taga-atake si Lolit naman ang taga-collect.

    Doble kara ang dalawang ito.

  5. so at first you write about marian and her camp’s overreaction to a question, set up a context of this happening as they were taping their soap. yung pinapalabas ng initial write up eh wala syang manners at di kinonsedira na par for the course lang sa pr ng soap ang ganung tanong. now you’re amending the context, for truth is this actually happened in an event intently for cancer patients. but you’re offended anew for their camp’s reaction to your half truths. patawa naman tong reaction ng startalk na parang wala silang ginawang ikakareact ni yan ng ganun. if you deem marian lacking in manners, maybe you need to check how you conduct interviews too. kung may mali sya sa tingin nyo, eh may mali rin kayo. kalerks. di nakapagtatakang napag-iiwanan ang show nyo ng kabila, just the way you conduct interviews is cringeworthy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.