FANBOX: Ivan Dorschner, Tricia Santos at James Reid ng PBB, love triangle ang drama

NOONG PRACTICE NG mga PBB housemates sa Shangri-La Makati para sa Star Magic Ball, namataan ang tatlong teens na sina Ivan Dorschner, Tricia Santos at James Reid na animo’y love triangle nga ang drama. Matatandaan na noong nasa loob pa lang sila ng bahay ni Kuya ay talaga namang naging usap-usapan ang mga ito. Si Tricia na binansagang pinaka-kontrobersiyal sa mga housemates ay na-link sa dalawang half-Filipinos na sina James at Ivan.

Maraming tagahanga ang dalawang loveteams na tinatawag na JaCia at TriVan. Ngayong nasa labas na ang mga ito, nagkakaroon na rin ng JaCiaVan fans na talagang napapakilig sa love triangle. May star potential ang tatlo at ‘di malayong magkaroon sila ng teen-oriented movie or show na sila ang magiging sentro ng istorya.

Sino sa tingin n’yo ang mas papatok, JaCia or TriVan? Alin sa dalawa ang susunod na SamTin o Kimerald? Ito na kaya ang kakabog sa Rico Yan-Claudine Barretto-Diether Ocampo triangle na unang nasubukan sa teleseryeng Mula sa Puso ng ABS-CBN?

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #163: September 13-14, 2010
Next articleLumalagablab (at nakakauhaw?) na Taping ng Magkaribal!

No posts to display