Fan Mail: Rayver Cruz and Melissa Ricks – secret lovers?

Natanggap namin sa aming inbox ang email na ito mula sa isang Isabel Mendoza. Kayo na po ang humusga kung totoo ngang may lihim na relasyon ang nalilink kay Sarah Geronimo na si Rayver Cruz at ang patok na daga sa Hapontastic na si Melissa Ricks.

“May chikka ako sa inyo tungkol sa tinatagong relasyon nila rayver at melissa. Ang totoo, tanggap ng family ni melissa si rayver bilang first bf ng anak nila dahil nakita naman nilang seryoso ang binata sa anak nila. Nagpaalam pa nga itong si rayver sa mommy ni mel noon,bago ito umakyat ng ligaw kay melissa. Napakilala na din ni rayver si melissa sa mga magulang,kapatid at pati sa ibang pinsan ni ray ay kilala nila si melissa. Madalas Kapag wala ang driver ni mel, si rayver ang sumusundo kay mel sa condo nito sa may anapolis greenhills, papunta sa mga shows ng abs kung saan guest silang dalawa. Alagang alaga nga ni rayver si melissa na parang princessa kaya lang sobrang seloso itong si rayver dahil kay matt lang payag makipaghalikan ang kanyang nobya onscreen at kailangan daw magpaalam ni melissa sa kanya kung sakaling iba at hindi si matt ang kahalikan ni mel onscreen, bagay nga sila dahil selosa din daw itong si melissa.”

Whatchuthink, mga kaparazzi?

loading...

28 thoughts on “Fan Mail: Rayver Cruz and Melissa Ricks – secret lovers?

  1. ha ha ha!!! totoo naman umayaw si sarah bcoz of rayver,ayaw ng momi divine ginagamit anak niya…wala naman reason para umayaw si sarah kay toni at vhong

  2. TOTOO MAY TINATAGO RELASYON SILA RAYVER AT MELISSA DAHIL SA DINAMI DAMI NG PA PRESSCON NG STAR MAGIC K MELISSA NI MINSAN HINDI PWEDE ITANONG ANG TUNGKOL SA ISSUE, MERON DAW NEWS BLACKOUT

  3. PRAMIS totoo sila rayver at melissana,pumunta sila sa hong kong last december na confirm nila iyon kaya bawal tanungin sila tungkol doon….at nung holy week may writer na nakakita sa kanila sa bohol kaya alam na totoo ang balita…walang plano ang dos gawing loveteam sila mel at rayver…sila jake at melissa meron dapat gagawin project kaya cla nili link…

  4. hindi po totoo yan..pramis!!!!
    sinisiraan lang si rayver and si mel!kasi basta!!!!!!alam ko ang story behind that! PROMISE!! eto clue. tinitry nila kung papatok din ang loveteam ng rayver mellissa! tinitignan nila kung ano magiging realsyon ng tao! HINDI TO TOTOO PROMISE!

    • FYI walang balak as in walang balak gawing loveteam sila rayver at melissa…hahaha!!! paano mo sisiraan ang matagal ng sira! pleaseeeee! rayver should stay out of sarah hindi sila bagay & its so obvious ginagamit ni rayver si sarah

  5. user si rayver…kaya ayaw umamin nila rayver at melissa dahil gagamitin niya si sarah para sumikat

  6. matagl na kaya sila rayver at melissa sabi ng friend ko sa abs cbn, naging sila during shoot ng kelly kelly

  7. I dont like melissa…mukhang maarte..hindi naman malakas ang appeal sa masa….paboritio lang talaga.

  8. pampagulo lang.. PLASTIK TLGA C MARIEL AND MUKANG MALDITA..MADAMI nagssabi nyan s staf ng wowowee… obuse nmn sa pbb plng sama ng ugali.. I HATE U TLG MARIEL!! PLASTIKERA KA

  9. hindi aamin sila rayver at melissa dahil strict ang parents ni melissa pababalikin siya sa states pag malaman na may bf siya

  10. hindi aamin mga yan, di ba nag deny si melissa noon sabi niya close friends lang sila ni rayver. obviously kailangan nila mag deny specialy on rays part dahil bini build up nila si rayver. pareho ng nangyari kay jlc kailan lang lumabas na naging sila ni krista tinago nila noon dahil bini build up si jlc noont

  11. baliw talaga ang dos may news blackout hindi pwede tanong sila rayver at melissa kapag iinterbyuhin daw si melissa sasabihan ang writers na bawal magtanong sa mga controversies at lovelife pero pwede magtanong bout jake waaaah!!!!

  12. d mamatay matay ang issue at the fact na tahimik sila rayver at melissa only proves na totoo ang tsismis. si tito boy lang naman nagpipilit na may something sila sarah at rayver siguro utos ng abs dahil may movie sila sarah at rayver

  13. kung totoo ito…bat di na lang sila ang ipag-love team eh bagay naman sila bukod kay matt…at kesa kung kani-kanino pa na parang pilit lang ang dating…like sarah to rayver…dapat yung kay sarah yung medyo matured at manly and dating compare to rayver na mukhang totoy…para di nya masapawan…like billy crawford na napatunayan na nila sa asap…or kay vhong navarro pag comedy dahil natural din ang dating ni sarah pag nagpapatawa…at ang the best na pampakilig is si sam milby…its like a cinderella story…kase si sam naman kahit kanino pwede ipair dahil napaka-charming talaga ng dating nya….and mukhang pwede rin si jake kay sarah…yung pagiging maangas nya at pagiging simple at kalog ni sarah…kaya si melissa bukod kay matt…pwedeng-pwede kay rayver…sana makita ito ng star magic…

  14. bakit sa dami ng pa press kay melissa ni minsan d matanong ng press sa issue, dahil bawal at may pumipigil, dyan magaling ang star magic ang makialam para ma protektahan ang karir ng stars nila

  15. baka pagsasamahin sila jake at melissa sa isang show ng dos kaya sila na lilink…sila sarah at rayver may pelikula

  16. ano kaya yun? kunwari lang sila jake at melissa, sarah at rayver?? totoong ginagamit ni rayver si sarah?? bad! bad! bad!

Leave a Reply

Your email address will not be published.