Family Affairs sa Justin Bieber Concert!

XPECTED NA ANG naging pagdagsa ng mga masugid na tagasuporta ng 17-year-old Grammy Award Nominee at Canadian pop teen star na si Justin Bieber sa pagtapak niya sa entablado para sa isang

one-night concert na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City noong May 10. Pinagkaguluhan talaga ng sangkaterbang fans na takam na takam na masilayan ang kanilang idolo kaya halos muntik nang magka-stampede sa naturang area, huh!

Ang concert ay parte ng My World Tour ni Justin Bieber which supports naman his twopart debut album na My World at My World 2.0. Ang bongga at ang taray, ‘di ba? Ang buhay na buhay na performance ni Papa Justin na kinakiligan at tinilian ng mga fans ay may titulong My World Tour: Justin Bieber Live in Manila with special guest: Poreotics. Mas lalo pang nag-init ang buong MOA nang nag-may-Ising na ang guwapong bagets ng kanyang mga popular hit songs tulad ng “One Time,” “Never Let You Go,” “U Smile,” “Somebody to Love,” “One Less Lonely Girl”at “Baby.” Kahit nga ako na hindi pinalad na makapanood eh, in love na in love kay Justin Bieber, ha-ha, chos!

As usual hindi pa rin nakaligtassa malalaking mata ng aming kamerang-gala ang mga celebrity fans at kilalang personality na pumunta d’un at nakapanood kaya parang may family affairs na naganap. Halina’t putaktihin na natin sila, mga kaparazzi…

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Family Affairs sa Justin Bieber Concert!

Leave a Reply

Your email address will not be published.