Fake wedding ng mga foreigner at Pinoy, sisiyasatin ng BI

INIIMBESTIGAHAN NA ng bagong pangasiwaan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang matagal nang umiiral na ilegal na raket ng ilang mga dayuhan na ikinakasal sa mga Pinoy para mapatagal ang kanilang pananatili sa bansa.

Inatasan ni BI Commissioner Segfreid Mison ang mga intelligence officer ng ahensiya na itutok ang pagsisiyasat sa mga Indian na karamihan ay nagprisinta ng mga pekeng marriage contract sa ahensiya.

Partikular na tinukoy ni Mison ang kaso ng apat na Indian na nadakip dahil sa pamemeke ng kanilang aplikasyon para sa five-year resident visa sa Pilipinas.

Nagsumite ang apat ng mga kahina-hinalang marriage certificate na kanilang isinumite sa mga civil registry office sa Kamaynilaan.

Lumalabas sa rekord ng BI na mahigit sa 700,000 Indian ang naninirahan sa bansa.

Ayon pa kay Mison, naging garapalan na rin ang naturang raket dahil sa hihingi ng BI-Verification and Compliance Division (VCD) ang annotation ng pangalan ng Pinay na asawa sa passport ng kabiyak nitong Indian.

“This measure is being done to protect our people from exploitation of schemers,” ayon pa kay Mison.

Nagbabala si Mison na ang mga hindi susunod sa annotation requirement ay maaaring magbunsod ng kanselasyon ng kanilang temporary resident visa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.