Faith Healer, Tinortyur ang Pasyente

HULI SA isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng  Criminal Investigation and Detection Team ang isang faith healer, makaraang ireklamo ng asawa ng biktimang breast cancer patient na namatay matapos umanong dumanas ng matinding torture sa Brgy.Poblacion sa bayan ng Pulilan nito lamang Marso 19, 2012.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Rudy Lacadin ng Criminal Investigation and Detection Unit – 3, kinilala ang nasawing biktima na si Corazon San Gabriel, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Dalig, Balagtas, Bulacan; samanatalang ang suspek naman ay nakilalang si Evangelina Legaspi Y Batol, 49 anyos, alyas Sister Vangie at alyasTita Vangie.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas-10:30 ng u-maga, ng isagawa ang entrapment operaton sa Sta. Catalina Subd., Brgy. Poblacion, Pulilan makaraang magpanggap na pasyente ang isa sa mga operatiba ng CIDT.

Nabatid na agad pinapasok ang pasyente sa maliit na kapilya kung saan sinabi ng suspek na kinukulam ito, bagay na hindi nito matanggap. Dhil dito, agad na inaresto ang suspek.

Bago pa ang pag-aresto sa suspek, may nauna nang kasong isinampa ang asawa ng cancer patient na kriminal dahil sa ginawa nitong pag-torture sa kanyang asawa.

Lumitaw rin sa pagsisiyasat ng mga dalubhasang doktor na namatay si Corazon sa torture at ang pagbuhos ng kumukulong tubig sa mga paa na umabot sa 2nd degree burn.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.