Faith healer, itinumba ng 2 barako

PATAY ANG ISANG 44-anyos na faith healer matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga kalalakihan sa Brgy. Tamorong, Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ng PNP-Bayambang ang biktima na si Mary Grace Tan, ng Sta. Cruz, Davao del Sur at pansamantalang nakipanunuluyan sa Brgy. Tamorong.

Nabatid na nagsasagawa ng healing session sa bahay ng isang Luis Bacani sa nabanggit na lugar ang biktima nang pasukin sila ng mga suspek at pagbabarilin ng cal. 45 na baril ang una.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek gamit ang isang motorsiklo habang ang biktima ay dinala naman sa Bayambang District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Hinihinalang may kaugnayan sa faith healing services ng biktima ang motibo sa krimen.  (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.