FAELDON, LAYA NA

TULUYAN NANG NAKAKAWALA si Marine Captain Nicanor Faeldon sa kanyang selda sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa ulat na nakakarating sa Pinoy Parazzi, noong alas-3:00 ng hapon ng Sabado nang payagan ang paglisan ni Faeldon at dumiretso sa kanyang kapatid sa Taytay, Rizal.

Gayunman, si Faeldon ay under custody ni Maj. Gen. Juancho Sabban, pinuno ng AFP Western Command kung kaya nararapat na lagi itong mag-uulat hinggil sa kanyang kinaroroonan.

Kabilang sa kundisyon ng paglaya ni Faeldon ang hindi magpa-interview sa media at kahit umiiral ang ‘gag order’, ramdam naman sa mukha nito ang kasiyahan.

Noong isang linggo, binigyan ng 48-hour freedom si Faeldon upang makasama ang kanyang pamilya.

Magugunitang bago mag-Pasko ay pinabigyan ng Makati Regional Trial Court  Branch 148 na makapagpiyansa ito ng P100,000 subalit wala itong pondo kaya hindi rin natupad ang provisional liberty.

Si Faeldon ay nakulong dahil sa pa-ngunguna sa Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.