Factory worker, Todas sa Pader

TODAS ANG isang factory worker nang bumaldog ang ulo sa pader makaraan mabagsakan ng lalagyan ng spicy sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Henry Lagunsad, 18, ng San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, nagdidiskarga ng mga lalagyan ng spicy ang biktima mula sa elevator sa ikalawang palapag ng CDO Foodsphere Inc., sa West Service Road, Paso De Blas ng lungsod nang mabagsakan ng lalagyan.

Nawalan ng balanse ang biktima at humampas ang ulo sa pader na naging dahilan upang dalhin sa VGH.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.