Factory Worker, Patay sa Tulugan

PATAY NA nang makita ang isang factory worker ng kanyang kasamahan sa tinutulugan ng una sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Hindi na rin nailigtas ng mga doctor sa Valenzuela General Hospital si Arnel Certijos, 30, at stay-in sa Miles Plastic Manufacturing sa Planters St., Rincon ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:45 ng umaga nang gisingin ang biktima ng kasamahan na si Rashed Harcia subalit hindi kumikilos.

Napansin ng saksi na hindi na humihinga ang biktima at nagbakasaling mailigtas at dinala sa VGH.

Wala namang nakitang palantadaan na pinatay ang biktima kung saan inaalam na ang sanhi ng pagkamatay.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.