Factory worker, patay sa saksak; kasamahan, kritikal

PATAY ANG isang factory worker habang kritikal ang kasamahan nito matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang mga una ay pauwi sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Valenzuela City General Hospital sanhi ng apat ng tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Nico Calipe, 18, habang nilapatan naman ng lunas sanhi ng saksak sa likod si Ruben Manife, 28, kapwa ng Molina Viente Reales ng nasabing lungsod.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas ma-tapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling nang maganap ang insidente sa Castillo J. Santos St., Malinta Valenzuela City.

Naglalakad ang mga biktima pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang lumutang ang suspek sa madilim na bahagi ng naturang lugar at armado ng patalim at sinugod ng saksak sina Calipe at Manife saka tumakas.

Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima upang lapatan ng lunas subalit minalas si Calipe at hindi rin ito nagawang isalba ng mga manggagamot.

Inaalam na ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.