Factory Worker, Natagpuang Patay

HALOS NAAAGNAS NA nang makita ang bangkay ng factory worker ng kasamahan nang puntuhan ng huli ang tinutuluyang bahay ng una dahil sa hindi pagpasok sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rolando Diaz, 27, factory worker at nanunuluyan sa Narra St., Panghulo ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8 ng gabi, pinuntuhan ni Mark Cadaingan, 24 ang biktima dahil hindi na pumapasok sa Silver Swan.

Kumakatok si Cadaingan subalit walang sumasagot at dahil nakabukas ang ilaw ay nasilip ng una ang loob ng bahay at nalanghap ang mabahong amoy.

Humingi ng tulong sa mga barangay ang saksi at nang buksan ang pinto ay lalong lumakas ang amoy hanggang sa makita ang biktima na halos naaagnas na nakahiga sa kama .

Wala namang nakitang palantandaan na pinatay ang biktima na huling nakitang naglalaba sa labas ng bahay noong Nobyembre 13, 2011.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima. (MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.