Fact-finding Team, Binuo Kaugnay sa Pagnanakaw sa Korte

NABUO NA ang isang fact-finding team sa Regional Trial Court ng Laoag City upang siyasatin ang nangyaring  pagnanakaw sa mismong opisina ng clerk of court kamakailan lamang.

Nakulimbat ang 120,000 libong pisong piyansa ng isang akusado na inilagay sa drawer ng clerk of court ng RTC na kinilalang si Atty. Zaldy dela Cruz.

Nabuo ang fact-finding team ayon na rin sa kautusan ni Executive Judge Benjamin Turgano, ayon kay Dela Cruz.

Ang naturang grupo ay binuo ng tatlong clerk of court ng RTC na pamumunuan ng clerk of court ng RTC Branch 12.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.