Facebuking: Geneva Cruz

Sino ba’ng makalilimot sa nag-iisang Geneva Cruz, na nagbigay buhay sa awiting “Anak ng Pasig”? Matagal nang wala sa radar si Geneva –limang taon na rin s’yang kasal kay KC  Montero. Iniluwal din niya 12 years ago si Heaven, anak n’ya sa Introvoys drummer na si Paco Arespacochaga. Kahit na wala s’yang regular TV appearance, hindi ikinagulat ng lahat ang paglabas niya sa Maxim bilang cover girl ng kanilang 25 Hottest Women in Music issue. Nagbabaksyon ngayon si Gen Gen sa Washington, USA at babalik raw s’ya rito sa Pilipinas sa August para mag-show. Makikita talaga sa Facebook account ni Geneva na ang pagiging healthy niya – super sporty at vegetarian ang moda niya huh! Saan kayang sexy magazine s’ya lalabas ulit?

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.