Facebuking: Cristine Reyes

Hot na hot talaga ang tinanghal na sexiest pinay ng 2009 na si Cristine Reyes!

Na-Starstruck ang mga barako nang rumampa ang younger and hotter sisteret ni Ara Mina sa katatapos lang na FHM Sexiest Party. Madami ang natuwa dahil nasilayan na naman nila ang kakaibang ganda at alindog ni Eva Fonda. Kailan nga ba natin muli mapapanood si Cristine sa TV?

Well, nalaman namin kamakailan lang sa kanyang Facebook account na lalabas siya sa susunod na Your Song! Paniguradong paiinitin na naman ni AA ang linggo ninyo! Hindi lang yan! Cover din siya ng Cosmopolitan magazine for August. Bongga, diba?!

Sa mga adik kay Cristine, eto ang aming regalo sa inyo! Narito ang ilan sa mga larawang nakuha namin sa kanyang Facebook account. Marami naman palang ginawa si Cristine sa panandalian yang pag-absent sa telebisyon. Ang importante, she is back!

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Facebuking: Cristine Reyes

  1. Pingback:   Cristine Reyes’ Facebook Account / Cristine Reyes - Fan Blog With Pictures And Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.