Face to Face with Amy Perez reyna ng talak-serye ng bayan

NAPASYAL AKO SA Broadway Centrum at nakipagkita sa reyna ng barangay ng bayan at naki face-to-face sa walang iba kundi si T’yang Amy Perez. Oh, no! Oh, yes! Naki-one-on-one talakan din ako sa kanya. Medyo kinakapa ko ang ugali niya habang nagtatanong, kasi pakiramdam ko, masyado itong prangka at diretsahang sumasagot sa mga tanong. Napanood ko na iyong dati niyang show sa TV5, kung saan may nagpupukpukan pa. Nawala ‘yun sa ere na tila marahil, hindi naintindihan ng ibang viewers ‘yung tema dahil medyo brutal daw.

Sa ngayon, tila nag-iba sila ng concept na tanggap naman ng masa dahil naman totoong nangyayari ito sa mga common na tao, “Ah, tinawagan po nila kami (ng TV5). May dating show po kami sa TV5 ‘yung Diretsahan. Ini-revive po namin ‘yun. We made a better version ng Diretsahan, ang Face to Face… ‘yon na ‘yon ngayon.”

Ayon kay T’yang Amy, pinupuntahan ng staff nila ang bawat barangay at inaalam ang mga problema, tapos naggi- guest ito sa show.

Uhumm… joke nga muna T’yang Amy. Wow naman kasi! Lahat ‘ata ng problema ng barangay nai-encounter mo na, sila sawsawera, pero ikaw yata ang tunay na sawsawera, ha?! “Hahahha!  Actually, ang trabaho ko eh, alamin kung ano ang problema. Nagme-mediate po ako, hindi po ako nagsasawsaw.”

Ah, kasi nandon siya palagi, eh. What I mean, lahat ng tsismis nasasagap niya. Mahirap ‘yun! Bukod ‘yung Trio Tagapayo na kasama niya na may pari, attorney at psychologist. Kaya naman nakaka-bilib din ang matututunan sa mga sinasabi nila.

Ayon kay Tyang, nasa class C, D at E ang karamihan sa kanyang guests. “Halimbawa ng mga kaso ay katulad ‘yong nakagat ng aso ‘yung kapitbahay. So nalaman natin katulad kay Atty. Acosta na kung sa batas, ano dapat ang responsibilidad ng isang tao kapag nag-alaga ng aso.”

You mean kapag medyo may aso na, medyo middle class na kaso na ‘yan? “Hindi naman po, sinasabi ko lang kasi iyong topic na ‘yan eh, medyo me kaya po iyong tao.”

Joke lang Tyang Amy. Kasi ‘pag class ‘C’ malamang-lamang na mapulutan ang aso. Hahaha!

Ito naman ang mga shows ni Tyang sa TV5. “Actually, meron akong ‘Sapul sa Singko’ na under sa News and Current Affairs. Sa Entertainment, dalawa iyong palabas ko. Iyong ‘Face to Face’ at saka iyong ‘Untold Stories’ mula sa ‘Face to Face’ kung saan mapapanood iyong before and after na buhay nu’ng bawat nagiging bisita namin sa Face to Face.” Sinabi ni T’yang na nagpapasalamat siya sa pagkakaroon niya ng mabuting opportunity at responsibility dahil sa magagandang shows niya. Bagama’t, pinatunayan niyang isa siyang mahusay na host sa telebisyon na related din naman sa kinuha niyang kursong Psychology.

AH… MAY ASAWA ka ngayon? “Ah, hahahah! Si Kuya naman nakakatawa. Meron po akong dating asawa. Pero ‘wag na po nating pag-usapan.”

Ah, ok lang. May anak kayo o wala? “Meron po,” napapahagikgik na sagot ni Tyang Amy. Ang kanyang bunso si Sean Kyle ay two years old at ang panganay niyang si Adi ay 13 years old. Inamin niya rin sa akin na anim na taon na silang nagsasama ng ‘tsowawerts’ niya ngayon. “Corny nga po ang buhay ko eh, walang intriga. Ah, nababalanse ko naman ho kasi kahit papaano, nagagawan ko naman po ng may mga araw na pagdating ko sa bahay, talagang nanay na ako. I love the fact na this time may taong nagmamahal sa akin. Pinapahalagahan ako at kayang tanggapin ang maganda at pangit sa akin, at nirerespeto ako.”

Dahil mahihilig ang kanyang mga anak na magtugtog ng instruments, tinanong ko kung gusto rin nitong sundan ang yapak niya? “Wala naman po kaming napapag-usapan. Pero gusto ko rin po na makatapos muna sila ng pag-aaral.”

Diretsahan din ang disiplina niya sa kanyang mga anak at praktikal dahil sa kanya, walang lock-lock ng pinto para in case daw ng lindol at fire, kakatok lang at mabubuksan na nila ang pinto.

T’yang Amy, ano ang suot mo ‘pag andun ka lang sa bahay? “Ah, kupas na T-shirt. Kupas na short.”  Bakit naman? “Wala naman po, parang simple lang!” Pero bumibili ka rin sa ukay-ukay? “Bumibili, minsan!” Pero ‘yung kupas na T-shirt, binili mo pa du’n? “Hindi naman po, minana ko na.” Haaay! ‘Di umubra ang pangungulit ko. Samantala, hilig niya talaga ay magluto at mag-yoga exercise.

Sikat na talaga si T’yang. Nakita ko siya du’n sa kahabaan ng highway, eh! Pagdaan ng sasakyan ko, nakita ko mukha n’ya na nakalagay sa bawat poste ng MRT. Amy Perez… Amy Perez… paulit-ulit. “Ah, may mga billboard po,” napapayukong hagikgik ni T’yang Amy.

Ito ang Larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel no. (02) 3829838, e-mail: maestrobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

7 thoughts on “Face to Face with Amy Perez reyna ng talak-serye ng bayan

  1. helow po Chang amy…ako po si Alma A.Chang nag ta-trabaho sa Israel as a caregiver,isa po ako sa masugid mong tagasubaybay ng programa ninyo..dahil nakaka alis po ng lungkot,,pagud at nakakaaliw,nakakabaliw,at higit sa lahat nakakapulutan ng aral,lalo na po ang trio taga payo madami po kaming natutunan dito,alam nyo po kasi ang trabaho namin d2 sa israel nakakainip ..dahil po kpag napaliguan,napakain at napinum ng mga gamot  pauupuin na po namin sa harap ng tv, ayon maghapon na kami sa harap ng loptop namin..kya naman po hindi namin na mamalayan ang paglipas ng mga oras…kya naman po excited ako kpag mag oopen na ako ng lappy ko…at alam nyo po sa mga natutunan ko sa trio taga payo nyo nagi na po akong taga advise sa mga friend ko kpag po may problema sila sa family nila…kya po advise ko sa knila manuod sila ng F2F…AT alam nyo po chang amy..sa pag bukas ng pintuan kung sisimula na ang programa nyo..ang una ko agad iniisip at tinitingnan ang damit nyo at kung bagay po kayo..kc gandang ganda ako sa mga sinusuot nyong damit..at kung anung usong damit sa pinas..kya naman po hanga ako sa pag dla nyo ng mga dress na yan…at pati shoes mo jajajaja…nkaka alis ng home sick ang programa nyo…at higit sa lahat pinaabot nyo sa mga kababayan natin na hindi dapat at anu dapat gawin ng isang mabuting mamayan…kaya naman sa tutuo lng pati sarili ko nabago dahil sa programa ninyo…maraming salamat po sa pag entertain nyo sa akin…..gudluck po at sna humaba pa ang programa ninyo pra marami pa kayong matulungan at maliwanagan sabuhay..GOD BLESS YOU PO… AND MORE POWER..

  2. hello  good evening  tyang amie  masugid nyo  aqng taga  subaybay ng inyong    talak serye  at totoo nman  po na  marami kaming natutunan  at  maging sa tunay nming buhay  ay  na iiaplay  nmin  ang payo ng trio taga payo  at isa  na nga  po dito ang problema ko sa anak  ko  gusto  ko po sana  na  ihingi ng tulong  kay  doctora  camille  pano  ko  pa  kaya   mai papakausap  kay  doc, camille sya  nga  po pala  akq  po  si  lissa  de  jesus  taga  malolos bulacan  pero nan dito po aq sa  korea  upang  mag trabaho  sana  po matulungan nyo aq 

  3. glad to know your show ,,here in japan,,since i saw that my daoughter here in japan is watching your unique,program,,ay naging addicted na rin ako,,at ang higit sa lahat,,ay may npaka laki at mahal ng problema kong gustong maibahagi rin dyan sa inyong napakagandang programa,,sana kung makakauwi ako ,,balang araw ay makapunta ako dyan sa inyo,,para maihingi ko rin ng dapat na kaukolang katarungan para sa kinam kam na pinaghanapbuhayan ko ng araw at gibi dine sa japan ,,,na akla koy kapatd kong mapagtitiwalaan ngunit nagkamali po ako,,kasi sa pangalan nya po inilagay,,ang titulo ng lupang ipinabili ko sa kanya,,at ang problema po ay isinanla pa ng kanyang anak sa bangko at natatakot po akong baka maipailit nila ,,yon,,tyang ami may magagawa pa po ba ako para mabawi at mapunta pa sa akin ang karapatan ko ,,ksi po tatlong taon kong pinagtrabahohan po ang lahat ng iyon ,,habang sinusustintuhan ko po ang pamilya ko at ang buong pamilya din nila,,salamat fo sa haba,,pero humahanga po ako sa napaka galang galang na pagbibigay nyo ng mga payo sa mga mabi9bigat na problemang nararanasan nyo dya,,lalo na sa tatlong taga payo,,ang husay nilang humaplos ng mga puso ng mga nagngangalit na mga umousok na galit sa kanilang puso,,na pagnakausap nilay ,,parang nabuhusan ng malamig na ulan,,soo tyang ami and hans both of you is the best combination,,sana kasing ganda ako ni tyang ami,,,wish ko lang jejejeee joke,,so god bless sa inyong lahat dyan,,,and more power

  4. magandang araw po mis amy, ako po si CYNTHIA GRAGASIN from PANIQUI, TARLAC. gusto ko po sanang magpatulong kung ano ang dapat kong gawin patungkol sa problema naming magasawa na ang asawa ko ay may ibang kinasama. ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa victory liner bilang isang driver. ang gusto ko lang po sana ay magkausap kaming tatlo. at ako naman ay di na hahabol sa asawa ko. kundi ipaglalaban ko lang ang karapatanng mga anak ko. na magkaroon sila ng patuloy na sustento. ang pangalan po ng asawa ko ay ROLANDO M. GRAGASIN. 14 years na po kaming kasal. at may apat na anak. inaasahan ko po ang inyong pagtugon. maaari nyo po akong macontact sa number na ito. 09485881137. Godbless!

  5. Hi’ poh tyang Amy avid fans poh ako ng show nyo , kahit na pang gabi poh work ko as a private caregiver pag kauwi ko poh galing work eh nakatutok poh agad ako sa tv5 para panuorin ang everyday issue ng talak serye ng FTF. napupulutan poh talaga ng aral ang mga ippnapalabas nyo sa FTF. . Sa show nyo poh umuuwi tlaga ang bawat panig na nagkakasundo..Isa poh ako ng Certified sawsawera. gOD BLESS AND mORE Power to your show……

  6. Pingback: Face to Face with Amy Perez reyna ng talak-serye ng bayan | blog

  7. ang ganda ganda talaga ng face to face
    tuwing nanonood kami natutuwa ako sa reaksyon
    ng lola ko…
    ang face to face ay magtatagal dahil sa maraming tumatangkilik dito
    at marami ding matutulungan ang face to face..
    ang ganda talaga nito kaya thank you

Leave a Reply

Your email address will not be published.