FACE-BUKING: K Brosas

Unang nakilala si Kakai Brosas Brosas o K Brosas bilang miyembro ng bandang Gladys and the Boxers with K na kalaunay’y naging K and the Boxers. Dahil sa angking galing sa pagbirit at pagpapatawa, madali niyang napasok ang mundo ng showbiz. Nakasali siya sa mga comedy shows ng Kapuso network tulad ng Idol Ko Si Kap, Extra Challenge, Hokus Pukus at Bitoy’s Funniest Videos. Naging visible din ang kanyang ganda sa primetime shows tulad ng Marinara, Darna at Marimar.

Lumipat ang talentadong aktres noong nakaraang taon sa bakuran ng Dos para gampanan ang papel ng nanay ni Gerald Anderson sa My Girl. Madalas din siyang lumabas sa iba’t ibang palabas sa ABS-CBN. Muli natin siyang mapapanood sa Philippine version ng Lovers in Paris kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Ang bongga, huh!?

Anywayz, kinabog ni Kakai ang mga gurlaloo ng FHM dahil pumayag itong magpose ng sexy sa July issue na kakalabas lamang. Hindi lang yan! Meron din siyang upcoming birthday show sa Zirkoh Greenhills sa July 18 kung saan ipapamalas niya ang talento niya. Mula sa Pinoy Parazzi, binabati ka namin ng Maligayang Kaarawan!

By Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.