Face-Buking: Bodie Cruz

Hindi man siya pinalad na manalo sa Pinoy Big Brother Season II, hindi naman loser pagdating sa kanyang showbiz career si Elmo Jeremiah Y. Cruz o mas kilala bilang si Bodie Cruz. Patuloy pa rin siyang nakikita sa TV kahit pa ang karamihan sa kanyang mga kasabayan ay tila nagpahinga na. Mukhang sa kanilang magkakapatid ay siya nga ang susunod sa yapak ng kanyang amang si Tirso Cruz III.

Alam n’yo ba na bago naging housemate itong si Bodie ay talagang certified computer geek siya? Grumadweyt lang naman siya sa isang unibersidad na may gold thesis award sa kursong Computer Science major in IT at nagtrabaho ito bilang programmer sa isang multinational company bago nito napagdesisyunang pasukin ang mundo ng showbiz! O, ‘di ba! Tunay na kahanga-hanga ang bonggang bida natin?! No wonder, addict din ito sa paggamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook, Multiply at Twitter para makipag-usap sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Mukhang masaya naman ang binata ni Pip sa tuluy-tuloy na proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network. Kakatapos lang niyang gampanan ang papel bilang rebeldeng kapatid ni Michelle Madrigal sa Zorro. Mukhang nag-improve nga si Bodie sa palabas na ito!

Anywayz mga kafatid, narito ang ilan sa mga litratong naharbat namin sa account ni Bodie. Makikita ninyo kung gaano kakulit at kaliksi si Bodie Boy lalo na kapag kasama nya ang kanyang mga kaibigan, kapatid at lovable puppy dog! Rawr!

Ni: Mica Rodriguez

Mga larawan Kuha sa Facebook account ni Bodie Cruz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.