Extradition Kay Amalilio, May Go Signal na

KINUMPIRMA NI Justice Secretary Leila de Lima na nagbigay na ng “go signal” ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagtuloy ng negosasyon ng gobyerno sa Malaysia para sa extradition kay Aman Future Group founder Manuel Amalilio.

Sinabi ni De Lima na maaaring sa Mayo o Hunyo ay tutulak patu-ngong Malaysia ang DoJ team para asikasuhin ang pagpabalik-bansa ni Amalilio.

Sinabi pa ng kalihim na mas nararapat itong gawin ng gobyerno kung kailan na ang halalan sa naturang bansa.

Napag-alaman na ipinagpaliban ng DoJ ang pagtungo ng nasabing team sa pangunguna ni Justice Usec. Jose Vicente Salazar dahil sa nangyaring Sabah standoff.

Maaalala na si Amalilio ay kasalukuyang nakadetine sa Malaysia matapos nahatulan ng pagkabilanggo ng hanggang dalawang taon dahil sa pekeng pasaporte.

Samantala, nahaharap naman ito sa patong-patong na kaso sa Pilipinas matapos makapambiktima ng humigit kumulang 12,000 katao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

One thought on “Extradition Kay Amalilio, May Go Signal na

  1. Establishing up the new accounts will permit you after
    merely switch the information around from one accounts to another employing a very good
    ftp plan. They have a demostration video that shows how their site operates,
    and their lists of their services seem never ending but are simply
    there. This not only gives your viewers your resume-of-sorts, but it can also help land you gigs if you get enough exposure.

Leave a Reply

Your email address will not be published.