Extortionist na Parak, Timbog sa mga Kabaro

HULI SA akto ng mga ope-ratiba ng Provincial Intellegence Branch ang isang chief investigator na pulis makaraang ilunsad ang entrapment operation sa harap ng Bulacan Provincial Jail kahapon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Region-3 Director P/Chief Supt. Edgardo Ladao sa Camp Olivas, Pampanga, kinilala ang nadakip na suspek na si PO3 Rodrigo de Guzman, 55 anyos, alyas Rod, Chief Investigator ng Pulilan Police Station, at residente ng Plaridel, Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Supt. Edwin Quilates, hepe ng PIB, dakong ala-1:15 ng hapon nang isagawa ang entrapment laban sa pulis sa harap mismo ng Panlalawigang Piitan ng Bulacan.

Nabatid na ikinasa ang entrapment kay De Guzman makaraang magreklamo ang isang babaeng drug pusher, na kanilang ina-resto matapos mahulihan ng droga kamakailan.

Ayon kay Maileen dela Merced, una na siyang kinasuhan ng paglabag sa Sec. 5 ng Republic Act 9165, subalit ibinaba ng piskal sa kasong Sec. 11, kung saan pinilit umano ng naturang pulis na magbigay ito ng malaking halaga kapalit ng mas mababang kaso laban sa kanya.

Dahil umano sa panggigipit ng pulis, napilitan nang humingi ng tulong ang biktima sa PIB ng Camp Gen. Alejo Santos, na nagresulta naman sa pagkakadakip nito, habang hawak-hawak ang marked money.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Camp Gen. Alejo Santos Detention Cell sa kasong Robbery Extorition.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.