Extortionist na nagpanggap na pari, timbog

ILOILO CITY – ARESTADO ang isang extortionist na nagkakanlong sa banal na kasuotan ng pari sa Iloilo City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang inaresto sa pangalang Mr. Fontanilla.
Nasa kasagsagan ng misa si Fontanilla ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ledesma St., Iloilo City.
Sinasabing matagal nang inirereklamo ang suspek matapos matuklasan na nagpapanggap lamang ito.
Nakumpirma ang pagpapanggap ng suspek nang madiskubreng wala ang pangalan nito sa listahan ng mga pari sa ilalim ng Archdiocese of Jaro.

Una rito, noong nakaraang taon ay tinangkang hulihin ng NBI si Fontanilla sa pamamagitan ng entrapment operation.
Nabatid na nangingikil ang suspek sa tuwing magmimisa ito, kung saan may mga sobre itong ibinibigay sa mga nagsisimba para lagyan ng pera at nanghi-hingi rin umano ito ng donasyon sa mga prominenteng tao sa lungsod ng Iloilo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.