Extortion Motibo sa Pagsunog ng NPA sa 2 Backhoe

SINUNOG NG hinihina-lang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang backhoe na pagmamay-ari ng Navarro construction sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Sinabi ni C/Insp. Romar Pacis, hepe ng Aparri PNP na extortion ang nakikitang motibo sa nasabing insidente.

Ayon kay Pacis, hinihi-ngian umano ng pera ng mga rebelde ang biktima kung saan P10,000 lamang umano ang ibinigay sa kanila.

Ito aniya ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa naturang insidente dahil baka hindi nakontento ang grupo sa maliit na halaga kung kaya’t sinunog ang natu-rang heavy equipment.

Kamakailan lamang ay hinarang at sinunog ng mga NPA ang oil tanker truck na pagmamay-ari ng isang negosyante sa Allacapan, Cagayan matapos umanong tumangging magbigay ng hinihinging halaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.