Extortion Letters ng NPA na May Kasamang Presyo, Kumakalat

KASALUKUYANG PINAG-IINGAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kandidato na mangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa mga lugar na talamak ang extortion activities ng New People’s Army (NPA) at ng iba pang mga armadong grupo. Ito’y kasabay sa pag-uumpisa ng campaign period kahapon.

Kinumpirma ni AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos na may nakukuha na silang impormasyon hinggil sa mga kumakalat na extortion letters na may kaakibat na presyo o rate.

Sinabi ni Burgos na sa may bahagi ng Northern Luzon Command ay nag-umpisa na ang pamimigay sa listahan ng kanilang mga presyo ang mga armadong grupo.

Nabatid ng AFP na kinakailangan ng mga kandidato na humingi ng permiso sa mga rebeldeng grupo para sa kanilang pa-ngangampanya at saka sila bibigyan ng presyo nang sa gayon ay makapangikil ng pera ang mga ito sa mga kandidato.

Umapela ang militar sa mga pulitiko na sakaling makatanggap sila ng extortion letters mula sa ibang rebeldeng grupo at NPA ay agad nila itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na headquarters ng PNP at AFP sa lugar.

Una na ring tiniyak ng PNP at AFP na ligtas ang mga kandidato sa kanilang pangangampanya kahit sa mga lugar na talamak ang extortion activities.

Samantala, dini-discourage din ng militar ang mga pulitiko na magbibigay sa demands ng NPA at ibang armadong grupo, dahil ma-dadagdagan lamang ang kanilang puwersa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.