Extension sa Military ops kontra BIFF, pinag-aaralan ng AFP

PATULOY ANG ginagawang assessment at evaluation ng Philippine Army 6th Infantry Division (ID) kaugnay ng pagpalawig ng opensiba nito laban sa mga rebeldeng Bangsa Moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Lt. Col. Dickson Hermoso na nakatakdang magbigay ng pahayag si 6th Infantry Division Commanding General Major General Romeo Gapuz  hinggil sa posibilidad na extention ng military operation.

Ayon kay Hermoso, patuloy na pinag-aaralan ng 6th ID kung magkakaroon pa ng panibagong extention sa ini-lunsad na military operation.

Inihayag ng opisyal na nagpapatuloy ang opensiba ng militar kontra sa mga rebeldeng BIFF.

Pinag-iingat naman ng militar ang mga sibiliyan kabilang na ang mga kasapi ng media na nagko-cover sa lugar laban sa mga itinanim na mga improvised explosive device.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.