Extended Liquor Ban, Iniurong na ng Comelec

INIURONG NA kahapon ang resolusyon ukol sa extended liquor ban. Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Kasunod ito ng inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court matapos harangin ng mga negosyante ng alak ang implementasyon sana ng bagong patakaran.

Dahil dito, balik sa dalawang araw na lang ang pagbabawal sa pag-inom at pagbenta ng alak o mula sa Mayo 12 hanggang Mayo 13, 2013.

Maaalala na nag-ugat ang extended liquor ban sa panukala ng Metropolitan Manila Development Authority.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.