Expose’ ni Sotto vs RH Bill, minaliit ni Cayetano

MINALIIT NI Sen. Pia Cayetano ang pangalawang bahagi ng “turno en contra” ni Senate majority leader Tito Sotto laban sa kontrobersiyal na isyu ng Reproductive Health (RH) Bill.

Sinabi ni Cayetano na siyang sponsor ng panukala sa Senado, hindi na mahalaga kung rehistrado man o hindi sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga grupong sumusuporta sa RH Bill ang importante aniya ay idinadaan sa proseso ang pagsusulong ng panukala.

“So what? Kung ikaw [RH bill] supporter, kailangan bang registered ka sa SEC? I mean, organizations can be formed; they do not have to be registered with SEC. That’s an irrelevant argument if you ask me. As to international organizations and local organizations, each of these groups have their different priorities. And the important thing to remember is that as a senator, as a sponsor of the measure, I have gone through the whole process and it’s very clear to me, and even the surveys would show, that this is a need of the Filipino people,” ani ng senadora.

Kaugnay naman ng mga expose’ ng senador, tahasang sinabi ni Cayetano na wala nang bago dito kung saan karamihan aniya sa mga ito ay nasagot na sa interpellation.

“Regarding du’n sa mga citation n’ya ng mga ‘authorities’, mga matatagal na panahon na ‘yun. Kumbaga, para mong binuhay ‘yung mga patay na. Wala naman akong magagawa du’n sa mga may paniniwala sa population control noong 1950s – ‘yung mga foreigners. But to say that the Filipino people are being dictated upon, this is false. Because we have surveys and actual experience showing that women need and want reproductive health,” dagdag pa ni Cayetano.

Samantala, pag-aaralan pa umano ng senadora kung kai-langan nitong sagutin ang mga “turno en contra” ni Sotto o kaya ay hindi na upang hindi na maantala ang pagsimula ng period of amendments. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

5 thoughts on “Expose’ ni Sotto vs RH Bill, minaliit ni Cayetano

  1. Kaya po minaliit ni Sen. Pia Cayetano ang expose ni Tito “BALINGBING” Sotto :
    1. Kinopya nya lang ang speech nya rgdg. RH Bill………Nakakahiya walang originality.
    2. Under graduate lang si Balingbing Sotto……… Meron syang DIPLOMA binili nya pa sa Recto.
    3. Di sya Politico…….. Kundi KOMIKERO.

  2. Mahilig kasing mag-si boto ang mga Pinoy ng mga artista, kaya tuloy mas maraming kadramahan ang ginagawa ngayon sa Senado.

  3. Ipasa nyo na ang rh bill
    hindi nyo alam kung gaano kahirap ang magpalaki ng maraming anak kasi mayayaman kayo..
    Kayo lng mayayaman ang nakakaranas ng mga previleges ng paggamit ng contraceptives..
    Kahit magbotohan dyan mas marami ang mas gusto na ipasa ang rh bill..
    Mageeleksyon na kasi kaya kailangan nila ng suporta from religious group
    utak trapo parin ang mga pulitiko dto sa pinas.!

Leave a Reply

Your email address will not be published.