Expose ni Corona, ayaw patulan ni Enrile

TUMANGGING PATULAN ni impeachment court president-judge Juan Ponce Enrile ang alegasyon ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaugnay sa umano’y pagpapadala ng isang senador ng emisaryo para kumbinsihin siyang magbitiw na lamang sa puwesto.

Sa isang pahayag, sinabi ni Enrile na “immaterial at irrelevant” ang nasabing expose ng punong mahistrado sa kanyang kinakaharap na kaso.

Ayon pa sa senador na dapat umanong sagutin na lamang ni Corona ang mga nakabinbing isyu sa kanya sa impeachment court.

“Ang isyu doon sa Article 2, mayroon ba siyang mga bank accounts na hindi niya sinama sa SALN (statement of assets, liabilities and networth) niya, mayroon ba siyang mga pera na hindi niya sinama. Iyan ang isyu. Ang mga iba niyan, collateral matters iyon eh,” ani Enrile.

Sa katunayan, binigyang-diin pa ni Enrile na hindi rin umano siya interesado na malaman pa mula kay Corona kung sino ang pagkakakilanlan ng naturang senador.

“Immaterial iyon in the decision whether may kasalanan siya o walang kasalanan. Mayroon ba siyang kasalanan o wala siyang kasalanan, iyon lang,” dagdag pa ni Enrile.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.