Expired License ni Bahinting, Inalmahan ng Aviatour

 

UMALMA ANG pamunuan ng Cebu-based Aviatour Air sa alegasyong expired ang lisensiya ni Capt. Jessup Bahinting, ang piloto ng bumagsak na Piper Seneca Plane PA400 na sinakyan nila ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo at Nepalese co-pilot na si Kshitiz Chand.

Sinabi ni Aviatour Air human resource manager Michelle Ferol na istrikto at responsable si Bahinting pagdating sa mga pananagutan ng isang piloto kaya hindi ito magpapalipad ng eroplano kung wala itong lisensiya.

Ang Aviatour Air ang siyang operator ng naturang Piper Seneca plane.

Hindi rin papayagan ng Mactan Air Traffic Control (ATC) na makalipad ang nasabing eroplano kung hindi valid ang lisensiya ng kapitan dahil maliban sa bahagi ito ng standard protocol, pinapahalagahan din ang buhay ng sinumang pasahero nito, giit ng kumpanya.

Maaalala na tanging ang aide ni Robredo na si S/Insp. Jun Abrazado ang kaisa-isang nakaligtas sa naganap na aksidente sa karagatan ng Masbate. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.