Expecting couple Glydel Mercado and Tonton Gutierrez want a baby boy this time

NEGATIBO ANG DATING ngayon ni Aiko Melendez matapos na ipagkalat diumano nitong bading si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Sa halip na si Aiko ang kampihan ng marami niyang kaibigan sa showbiz, para itong iisang tao na nagsasabing maling-mali ang kanyang ginawa.

Kung totoo ngang si Aiko ang nagkalat ng isyung bading ang dating boyfriend, sana ay hindi niya ito ginawa. Dapat nag-seminar siya sa kaibigan niyang si Carmina Villaroel. Kasi si Carmina kahit sabihin pang nag-cross dress na’t lahat si Rustom Padilla, na ngayon ay BB Gandanghari na, never itong nagbigay komento sa dating minahal to think na ikinasal pa ang mga ito, ha?

“Mas may breeding kasi si Carmina kumpara kay Aiko. Dapat, dahil politician siya, iniisip niya kung tama o mali ang kanyang ginagawa at sinasabi bago niya gawin,” sabi ng kausap namin.

Galit na galit si Mayor Patrick at maging si Pandi Mayor Enrico Roque kay Aiko. At dahil dito, ‘persona non grata’ na ang nasabing aktres sa kanilang bayan dahil sa walang kaabog-abog nitong pagsasabing may relasyon ang dalawang politician.

NAKAUSAP NAMIN NANG perso-nal sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez sa opening ng kanilang salon (Reyes Haircutters). Ayon sa dalawa, ang pagbubukas nila ng bagong negosyo ay paghahanda para sa kanilang magiging kinabukasan, dahil hindi naman daw lahat ng panahon ay artista sila at kumikita.

“Hindi naman sa lahat ng araw ay may raket kami, at ayaw naming dumating sa aming buhay ‘yung mga nangyari sa ibang artista na ang kanilang pinaghirapan ay nawala lang basta-basta.”

Sa ngayon, dalawang buwang buntis si Glydel at ayon sa aktres, mas gusto raw sana nila ni Tonton na maging lalaki naman ang kanilang susunod na baby. “Para naman may brother si Aniza.”

At bilang paghahanda sa darating nilang baby, agad na raw nilang sinabi ni Tonton sa kanilang panganay ang pagdating ng magiging kapatid nito.

“May isa pa akong project sa Channel 5 pero hindi ko alam kung hanggang saan aabutin. Kasi ‘pag malaki at halata na ang tiyan ko, hindi na siguro ako puwede sa role na ibinigay sa akin,” sabi pa ni Glydel.

ISA KAMI SA naaliw sa pag-wawakas ng Imortal. Maganda ang pagwawakas na hindi tulad ng Magkaribal noon nina Gretchen Barretto, Bea alonzo at Derek Ramsay na maganda sa simula at sa gitna, pero pagdating sa pagwawakas ay basura, as in basura.

Ang pagwawakas ng Imortal ay hindi bitin, kundi parang may isa pang part na dapat abangan ang mga tao. “No, matatagalan bago uli masundan ang Imortal. Dapat sana ay paaabutin pa hanggang July ang pantaserye, pero sina Angel na mismo at John Lloyd ang nagsabing dapat nang mag-end ang kanilang teleserye, dahil masyado na itong mahaba.” Sabi iyon ng aming source sa ABS-CBN.

SINABI NI CRISTINE Reyes na bida sa pelikulang Tumbok na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa May 4, na noong mga panahong may relasyon pa sila ni Dennis Trillo ay never siyang pinagbuhatan ng kamay nito.

“No, wala namang ganu’ng pangyayari sa amin. Naghiwalay naman kami nang maayos,” sabi ni Cristine.

Ayon kay Cristine, nalungkot daw siya nang makarating sa kanya ang balita na humahantong sa sakitan ang pag-aaway nina Jennylyn Mercado at Dennis.

“It’s unfair naman sa isang babae na saktan siya ng isang lalaki, kasi wala namang kalaban-laban kaming mga babae sa mga ganu’ng eksena, ‘di ba? Pero wala akong alam kung totoo ang tsismis o hindi, kasi ayokong makialam sa ganyang mga bagay.”

Samantala inamin ni Cristine na habang tumatagal ay lalong lumalalim ang relasyon nila ni Rayver Cruz. “Siguro mas matatakot ako sa multo, kesa sa makita kong may ibang kasamang babae si Rayver.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.