Exhibitionist, Arestado

SHOOT SA kulungan ang binata matapos maglabas ng ari at laruin sa harap ng dalaga sa loob ng sasakyan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Christian Gigantoca, 22, ng Pinagsabugan St., Longos ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Jonnalyn Carlos, 27, fashion consultant, alas-11:55 ng gabi, kasakay niya sa jeep ang suspek at habang binabagtas ang Concepcion ng lungsod ay naglabas ng ari ang katapat na binata sabay laro habang nakatitig sa dalaga.

Nang mapadaan ang jeep sa Police Community Precinct 7, pumara ang biktima bago nagmamadaling nagsumbong sa mga pulis na naging dahilan upang damputin at iselda ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.