Executive Producer, ran away with Richard G.’s money?

Oh My G!
by Ogie Diaz

“TITA ANNABELLE, ANG taray ng anak mo, ah! Nagpautang sa isang executive producer ng P350 thousand!”

“Naku, Dong, hindi ko nga alam ‘yan, eh. Nalaman ko lang nu’ng hindi na nababayaran. Ang suwerte n’ya, ha?

“Samantalang ako, ‘pag ako’ng umuutang ke Richard, sinisingil agad ako. Nasa’n na ba ‘yang EP na ‘yan ng Kamandag?

“Ang tagal na ng utang n’ya. Hindi pa rin siya nagbabayad, ano ba ‘yan? Ito namang anak ko, nahihiyang maningil. Kung alam ko lang ‘yan nu’ng una, eh hindi siya makakautang, Dong, ‘no!”

Ayon pa ke Tita A, maawain daw talaga ang anak niya, lalo na at nangangailangan. Pero ‘pag bayaran na, nahihiya nang maningil.

“Kung sa akin n’ya ba pinautang ‘yan, eh ‘di mababayaran ko pa!”

BILIB KAMI RITO ke Kuya Boy Abunda. Siya na mismo ang naglagay ng tuldok sa hidwaan nila ni Dra. Vicki Belo.

Ganyan kabait si Kuya Boy. Habang si Dr. Manny Calayan ay parang iniinsulto pa ang endorser si Kuya Boy. Na kesyo hindi raw maganda ang ginawa ni Belo na insultuhin si Kuya Boy.

Hindi kaya ang dapat na isinagot ni Calayan ay naniniwala siyang maraming gustong tumulad ke Boy Abunda, kaya nagpupunta sa Calayan.

Hello! Kaya n’yo nga kinuhang endorser si Kuya Boy, dahil alam n’yong malakas ang hatak n’ya sa tao, ‘no!

SIMPLE LANG ANG title ng latest movie ni Direk Chito Roño sa Star Cinema: T2 as in Tenement 2. Ibang-iba raw ito kumpara sa Sukod at Feng Shui. Puwede itong makipag-compete sa Hollywood, dahil ginastusan talaga ang effects nito.

Nakapasyal kami sa set ng T2 sa San Juan at pinagmasdan talaga namin si Direk Chito habang nasa video assist, at ini-instruct sina Maricel Soriano, Eric Fructuoso at ang half-sister ni Angelika dela Cruz na si Mica. Ay, grabe palang metikuloso si Direk. Pulit-ulit ang take dahil kailangang ma-feel ang takot at kaba sa mukha ng bata.

Hindi n’yo nga mage-gets ang ibig naming sabihin. Panoorin n’yo na lang ang suspense thriller na ‘to sa April 11.

Kami nga, nanood lang ng shooting, natakot na kami. Kaya nagpaalam na gad kami.
Confirmed! Natakot ang bading!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.