Executive ng network, napamura nang malamang kasama sa cast ng serye ang aktor, pinatanggal din

BLIND ITEM: Kay Aktor A muna inialok ang papel bilang isang mekaniko sa isang forthcoming soap sa isang istasyon.

Pero far from over pa rin pala to this day ang isyu sa pagitan niya at ng kanyang network, kaya nang mapasadahan ng isang executive ang pangalan ni Aktor A bilang bahagi ng cast ay napamura ito. Hiniling niyang tanggalin ang aktor whose role finally went to Aktor B na makakasama rin sa soap ang real-life girlfriend nito.

Poor Actor A, kung kalian naman inakala niyang tinanggap siyang muli ng istasyong nagluwal sa kanya, his career remains at a standstill.

Kunsabagay, walang ibang dapat sisihin kundi ang mismong aktor na ‘yon na itago na lang natin sa alyas na Aljon Abrelata.

By Ronnie Carrasco

Previous articleThe Harana
Next articleJoel Cruz, pinawi ang lungkot ng mga kapit-bahay sa pagkatalo ni Pacman

No posts to display