Execs to cut Sharon’s talk show?

TIYAK NA MALULUNGKOT si Megastar Sharon Cuneta pagdating niya mula sa matagumpay na Megathirty US Concert Tour. June 14 diumano ang lastleg ng kanyang concert tour sa Houston, Texas at babalik na siya sa ‘Pinas for her other commitments.

Masayang-masaya pa naman siya nang umalis right after the very successful premier night of her movie Best Friends Forever with Ai-Ai delas Alas. Super-happy rin siya sa pagkakapanalo bilang Best Actress sa pelikula niyang Caregiver mula sa Star Awards ng PMPC. Kahit kasi wala siya rito para tanggapin ang kanyang award, nag-celebrate din ang mga Sharonians na siya ring sasalubong sa kanyang pagdating.

Ang pinag-iinitang intrigahin ay ang Sharon niya tuwing Linggo sa Kapamilya Station. Nanganaganib na raw tanggalin sa ere ang show ng Megastar. Malakas daw ang bulung-bulungan. May kakabit pang impormasyon na hindi nagugustuhan ng televiewers ang show dahil parati na lang daw mga impersonator ang guest. Ang cheap-cheap na raw ng dating. Maging si Sharon, hindi na raw masaya sa itinatakbo ng kanyang show. Hindi nga lang ito makapagreklamo.

Nang tanungin daw ang isang insider kung totoong papalitan na ito ng ibang show, ngumiti lang daw ang tinanong at dinedma ang intriga.

Mabilis namang sumagot si Krissy Baluyot, E.P. ng Sharon sa intriga. “We welcome suggestions from our televiewers, especially the Sharonians, but there wasn’t anything like this na natatanggap namin,” simple niyang pahayag.

“Paano maka-cancel ang show na laging nasa Top 10 hindi lamang sa Mega Manila, kundi sa entire nation. Rating-wise, ganu’n din kataas ang aming nakukuha. The element of comedy is also very much a part of our show, that’s the reason why maraming impersonators. They provide the fun, the laughter that Mega shares with them.

“Ayoko sanang isipin na may kinalaman ito sa pulitika. Since, we are in the Top 10, baka natatakot ang mga kalaban na makatutulong ito kay Sen. Kiko Pangilinan. Lagi na lang ganu’n, paulit-ulit na lang. Ang importante, hindi kami nagpapabaya sa aming tabaho. We are working so hard to make Sharon’s show worthy of its title. Shawie is no Megastar for nothing, kaya, masaya kami.”

Nakatakdang mag-taping si Mega sa June 22 for a new bunch of shows and news about her stint abroad. The PMPC officers will also present her Best Actress trophy.

DAGDAG NA BALITA tungkol pa rin kay Sharon, ang kaligayahang ipinadama niya kay KitKat sa isang guesting nito sa Sharon.

May nagbalita kay Sharon tungkol sa panlolokong ginawa sa kanya ng dating karelasyon. Nilayasan na ang komedyana, na-withdraw pa nito ang lahat ng naipon ni KitKat sa bangko.

Sa matinding awa, niregaluhan ni Sharon si KitKat ng isang tsekeng nagkakahalaga ng hinarbat sa kanya ng dating karelasyon. Kumpleto raw ang numbers, mula comma hanggang period. Hindi malaman ngayon ng komedyana kung paano magpapasalamat kay Mega. Gusto niyang iluhod ito sa Quiapo bilang pasasalamat sa hindi niya inaasahang suwerte. Marami na siyang nababalitaang kawang-gawa ng Megastar. Hindi niya akalain na isang araw, mabibigyan din siya ng kawang-gawa ng hinahangaan niyang Megastar.

Sapat na raw sa kanya ang paggi-guest  sa Sharon show. Pero, ang makatanggap ng regalong hindi niya inaasahan, isang hindi na niya malilimot na karanasan.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

14 thoughts on “Execs to cut Sharon’s talk show?

  1. AY NAKU! DAPAT NA TALAGANG TANGALIN ANG SHOW NA ITO, ISA AKONG SHARONIAN PERO DI NA AKO NATATAWA SA MGA PINAGAGAWA NI SHARON PAG NASA SHOW NA SIYA, MAGANDA PANG PALITAN NA LANG SIYA NI KC AT NG GUMANDA PA ANG SHOW NA ITO.

  2. Akala ko ako lang ang nagsasawa,gusto ko si sharon,pero nagiging oa na sya masyado,boring ung show,at sya lang yata ang natutuwa sa mga guest nya,,tinataas pa ang paa kung tumatawa,,,over oa ka mega,,,,,di ka na nakakatawa,buti na lang mganda ang mukha mo kahit sobra kang taba gaya ko hahahahahaha!!!!

  3. I LOVE SHARON! pero i think the show really needs to reformat,,but i still watch it because of the megastar.

  4. ewan ko ba anong ngyari sa show ni Sharon every Sunday, kaya di matalo-talo ang kalaban kasi corny na, oa pa at cheap na. Abs naman maging creative, isa eto sa pinakaayaw ko sa Abs, trashy na ang dating oa pa tumawa si Sharon. Palitan na eto.

  5. I have an idea…

    Bakit hinde na lang ipalabas yung can2tan nung anak niyang si KC at Hayden! Siguradong mag nu-number 1 yung show niya ha ha haha

  6. sus eh dapat na talagang alisin sa ere ang sharon super na talaga sa pag ka corny ang palabas parang di na yata pinagiispan nang staff ang palabas nila,,at puwede ba sabihin nyo naman si sharon na tigilan ang pagtawa ng sobra sa mga shows nya sus lalo kapag nag promo siya ng mga movies nya super plastic naman talaga at halatang pilit lang naman yung mga super lakas ng tawa na di naman talagang nakakatawa,,,as in OA na talaga,,,sus abs-cbn naman palitan nyo na si sharon ,,,,,kahit ba siya ang may pinakamalking share of stocks ng comp nyo pls palitan nyo na ,,,nainis na talaga siya

  7. tagain na yung show na yan’ walang kwenta parang yung host… dapat tagain din yung mga bilibil niya ha ha ha aha

  8. oo nga hindi na kagandahan ang show ni sharon….parang walang saysay yong show walang man lang creativity kung tawagin…..it’s just a waste of time to watch it…..hopefully they could do something to make the show even appealling to the viewers…..

  9. oo nga napaka chaka ng sharon eh pinag lumaan na ng sis ang format na panay impersonators na bading at mga stand up comediane eh yang sila vice ganda at si pooh pati si eva papaya sa sis lahat ang silabas yan eh. hay naku hayan sharon di ka man lang i hire ng ABS ng magaling na creative hehe ayaw ka na talagang isalba hay naku bye na.

  10. sana palitan ng format yung sharon show. hindi na kasi maganda ang mga guests na napapanood namin sa tfc. parang hindi na masyadong pinaghahandaan ng staff. sorry pero siempre show ng mega star.

Leave a Reply

Your email address will not be published.