Exec. Sec. Jojo Ochoa at Vina Morales, nag-PDA sa lobby ng hotel!?

USAP-USAPAN ANG PDA o public display of affection nina Vina Morales at Executive Secretary ni P-Noy na si Jojo Ochoa sa lobby ng Manila Peninsula.

Ayon sa scoopbox ng www.pep.ph, kamakailan lang umano ito nangyari, napag-alaman pa umano ng PEP na totoo ang nasabing eksena.

Ayon sa usap-usapan, tila nag-enjoy raw nang husto sina Vina at ES Ochoa sa drinks at atmosphere ng okasyon, kaya kahit public place ang lobby ng hotel, nangyari na nga ang sinasabing PDA.

Chika pa ng reliable source umano ng PEP, si Vina ang gumawa ng first move at nagpakita ng interes kay ES Ochoa. Hindi rin naman daw masyadong umiwas si ES Ochoa, sabi pa ng source.

Hmmm… baka naman lasing lang si ES Ochoa. Eh, ‘di nga ba, kamakailan lang, inilabas sa isang tabloid ang litrato ni ES Ochoa na lasing na lasing sa lobby rin ng isang hotel?

Si Vina naman, wala itong dyowa ngayon, dahil break na nga sila ng dati niyang boyfriend na si Cedric Lee, na siya namang ama ng anak ng singer-actress.

NAPANSIN N’YO BA kahapon ang The Buzz? Parang kulang… teka, uulitin ko… parang kulang na kulang. Dalawang hosts kasi ng show ang ‘di sumipot – sina Toni Gonzaga at KC Concepcion.

Ang nasagap namin sa mga usap-usapan, tila nagkaisa raw sina Toni at KC na um-absent sa showbiz talk show, dahil knows nga raw nila na pag-uusapan ang isyu nila kay Mariel Rodriguez.

Ang pasabi raw ni Toni, may sakit siya. Pero ‘di raw totoo ‘yun. Ayon sa usap-usapan, sinadya raw ng actress-host na ‘di sumipot. Bagama’t wala namang lumalabas na dahilan ng pag-absent si KC sa mga usap-usapan, sinadya na lang din ng dalaga ni Sharon Cuneta na ‘di sumipot sa show. Eh, ‘di ba nga, may issue rin si KC sa ‘backbiting’ umano ni Mariel?

Ayaw lang siguro nina Toni at KC na maipit si Kuya Boy sa alanganing situwasyon, at dumating na sa point na mamili ang host ng kakampihan. Kaya siguro, iwas-pusoy na lang muna sila.

loading...

38 thoughts on “Exec. Sec. Jojo Ochoa at Vina Morales, nag-PDA sa lobby ng hotel!?

  1. kung totoo ito oa sina kc at toni, hindi professional………….bat sila magagalit true naman duling c toni at hindi marunong mghost si kc. kung mgbigay ng opinion parang ang layo sa topic hindi straight to the point………….

  2. Para yatang may nabasa akong blind item in the past about Vina Morales, pinangalanan ng ibang readers that the BI was Vina. Na kasyo si Vina raw and kerida ni Robin while Robin was still very married to Liezl. Tutoo ba ito?

  3. I salute Mariel, she tried to face the issue upfront pero iyong Toni and KC na iyan di kayang panindigan iyong kanilang issue. Ano ba iyan kung talagang totoo ang mga issue ninyo at kayo ang offended parties dapat you face Mariel at di kayo ang natakot. So di totoo ang mga issues na ibinabandera ninyo otherwise, sana kayo ang nanindigan at di na-chicken. Arte ninyo KC and Toni. Arte arte akala mo nawalan ng dignidad eh totoo naman kung sakali ang mga issue, KC di marunong mag-host at Toni, pangit.

  4. Major major yuk!! pareho lang silang magkapatid na si shaina…makati! malandi! sa manila peninsula nangyari to. mga 3 linggong nakaraan. pareho lang silang lasing na lasing!! mga 4am> nakakapagtaka…wala bang trabaho si secretary??? at me oras pa talagang mag lasing ha???

  5. Magaling talaga pumili si penoy at ang first sisters na nasa search committee. Tingnan ninyo itong isang favorite na si Exec. Sec. Ochoa…lasenggo na, ang hilig pang mag-eskandalo. Ang galing, ang galing talaga! Kaya puro kapalpakan ang ginagawa nitong maldito na ito dahil laging bangag. Iba ang iniintindi. Congratulations, Ballsy, sa palpak mong choice. Palpak na ang kapatid mo, palpak pa ang mga dilaw na alipores niya.

  6. May nag comment na talk show host sa ibang istasyon tungkol sa interview ni Mariel sa The Buzz. ANG SAGOT LAGI NI MARIEL AY ” I DON’T KNOW “. PARA RAW NAGHUGAS KAMAY LANG SI BOY ABUNDA AT ANG ALAGA NIYA. HINDI NAMAN NILINAW NI MARIEL KUNG TUTUO ANG PAG BABACKBITE NIYA KAY TONI, KC, ANNE AT LUIS. IDINAAN LANG SA IYAK. ANU ITO, CEOCODILE TEARS?

    • Yeah and Boy Abunda was not really agressive on asking and pressing the matter more kasi alaga nya si Mariel. But look at Boy when he interviewed other actresses, iba ang dating ni boy abunda.

  7. NAUBOS ANG LAHAT NANG ORAS NANG SNN SA DAMAGE CONTROL NILA, PURO ROBIN AT MARIEL WEDDING. HOWEVER, THE MORE THEY EXPLAINED, THE MORE WE GOT CONFUSED AT LALUNG NAPLASTIKAN KAMI. GALING NI BOY ABUNDANG SUMEGWEY. KAILANGAN KASI DAHIL PAG NALAOS ANG ALAGA NIYA, GOODBYE COMMISSION AT TALENT FEE RIN SIYA. HINDI NA BALENG MAGSINUNGALING, HUWAG LANG MATUYUAN ANG KABAN.

  8. ATE VINA naman.. sana pumili ka naman ng medyo mas guwapo sa HINAYOPAK na OCHOA na ‘yan..

    you can do better than that!

  9. Ako sa totoo lng naartehan talaga ako dito ke KC, minsan oa na ang mga salita at kilos nya. Pero ang sasama naman ng mga ibang tao dito na ayan na nga me mga taong handang tumulong para mapaunlad ang pilipinas puro pintas pa din at minamasama ang mga ginagawa nila. Eh ano naman ngayon kung political purposes yan? eh di go kung kaya naman nya..matalino naman si KC eh, me iba nga dyan sikat kuno naka graduate nga psychology naman di ba???

  10. ‘day, FYI.. Its a long term strategy,..

    KC and Paolo with grand ambition to be a politician. Just watch how they try to promote themselves in connection to People, Government, Charity, UN, and what they usually saying about for the Goodness of the Philippines.

    You will be surprised to remember this note, after 10 years time.

  11. Kc_concepcion At the WFP headquarters now in
    Rome. So many exciting new
    things are coming our way to
    help us fight hunger especially in
    the Philippines. ☺
    5 minutes ago via ÜberTwitter

    Oh ayan pa bagong-bago. Mainit-init pang twitter post ni kc. At least sya tumutulong kung paano labanan ang isa sa problema ng ating bansa. Kayo may nagawa na ba?

  12. malay n’yo naman… sinadya talagang mag-leave for paris si kc. KC alam niyang ‘yung isyu kay mariel ang pag-uusapan. obviously, umiwas-pusoy talaga sina KC at Toni. My gosh! common sense, maaaring nasa Paris si KC nung Sunday pa, pero one week pinaplano ng production ang bawat episode ng the buzz, so alam nila kung ano lalabuzz, di ba? mga echosera!

    • naman! kung iiwas lang din sya eh di sana nag tagaytay na lang sya o di kaya eh nagsakit-sakitan. konting common sense naman dyan. pwede ring mag-bora sya para mas malayo. bakit pa sya pupunta ng paris kung iiwas lang pala sya? lol mas echosera ka gumawa ng kwento. gagastos ka ng malaki para umiwas? sa pinas ka na lang mura pa lol

    • kc_concepcion Punta ako ng UN World Food Programme hq
      dito sa rome… ☺ will be back soon♡
      @cocoloco192004:bkit wala k b sa d buzz d
      nlng ako mag wawatch:(
      11:32 AM Sep 25th via ÜberTwitter

      Oh ayan sana nasagot na mga gumugulo sa utak nyo. Pati pagpunta sa ibang bansa ginagawan ng malisya. Kayo ano nagawa nyo para labanan ang gutom sa ating bansa?

  13. nasa labas ng bansa si kc. Kung follower kayo ni kc sa twitter malalaman nyo yun. May mga picture pa nga sya dun. Kung makahusga ang iba dyan may unethicall unethical pang nalalaman. Banat ng banat wala naman palang alam lol

  14. That’s Unethical, Unprofessional becoming of them. Nagkaisa si Toni at KC. No other than processional jealousy. Dapat harapin nila katotohanan, yan naman kasi trabaho nila, di ba. Pag sabit na sila sa personal, para silang dagang costang nagtatago. Si Mariel, humarap, matapang, palaban, hinaharap ang realidad.

  15. eh si vina nman tulad din ng sister nyang si shaina, pareho lng slang magkapatid na makati pa sa gabi! this vina girl sa dinami-dami ng naging bf eh wla nmang nagpakasal sa knya, kya cguro nagpaanak na lng sa dyowa nyang may sabit nman. Di yta mabubuhay kng wlang lalaki eh. Tumandang paurong na itong babaeng eto. If this is true, ang cheap nman tlaga nya, baka bayaran, u know what i mean!

  16. bakit naman inuubos ni Abunda ang oras ng mga shows ng ABS sa mga alaga niya para sumikat. okay lang naman ng oras makapagpaliwanag pero huwag naman kainin lahat ng oras. nakakairita na kasi pati sa SNN, twice yatang puro Mariel ang kabuuan ng show. buti sana kung sikat siya eh hindi naman. tapos paulit ulit na lang. mag-sisinungaling ngayon para bukas may ka-klaruhin. Abunda, iyong ibang artista naman ng ABS. hindi mo ba napapansin mas sikat ka pa kesa sa iyong mga alaga? tama na iyon. huwag mo nang ipagsiksikan pa sila pag ayaw na ng mga tao. may iba pang artista at personalidad kesa sa iyo at ng mga alaga mo. at saka pwede Abunda, the world esp the showbiz world is not about you. maghost ka na lang. huwag iyong parang feeling ng Abunda na ito, titigil ang buong Pilipinas para pakinggan ang mga sinasabi niya na non-sense naman. feeling matalino.

  17. hay naku…korek kau dyan…di kcnagreresearch eh…basta may maisulat lng…nasa PARIS po c miss kc PARIS
    baka pati iyan di m alam?
    kalokang writer!

  18. Oh my gosh! Dito na lang sa balita mo tungkol kay KC ay kasinungalingan at Hindi ka nag research. Si KC ay na sa Italy dahil sa kanyang charity na pinamamahalaan. Kanina din wala siya sa simply KC niya. Kawawang Mariel Kung ano ano nag hinuhulaan isulat para sa kanya para makapanira lang. Credibilidad writer mas kailangan ninyo ang credibilidad para naman mapaniwa ninyo nag readers ninyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.